C H A P T E R 1 6
STELLA
Pagkagising ko kinabukasan ay lumabas ako para uminom sa kusina. Pagkarating ko roon ay nakita ko si Sir Emman na kumakain.
Nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng mga dahon ng saging sa dirty table. Bibingka ba ang kinakain niyan?
"Sa'n mo kinuha ang mga 'yan?" takang tanong ko sa kanya. Tumitig lang siya sakin ng ilang saglit tapos ay ngumiti at bumalik ulit siya sa pagkain.
"Akala ko ba ayaw mo niyan?" tanong ko sa kanya. Papalapit na ngayon.
"Masarap." Nahihiyang aniya.
"Saan mo nabili yan?" takang tanong ko ulit. Inilipat niya ang mata niya sa'kin.
"Sa dulo-dulo..."
Sandali akong napa-isip at sa huli, imbes na kuwestiyunin siya ay napagpasyahan ko nalang samahan lang siya sa pagkain.
"Ah..." Tumango-tangong sabi ko. "Penge ako ah..." sabi ko at umupo sa tabi niya sabay kuha ng isang bibingka. Ngunit agad niya rin akong sinamaan ng tingin.
"Aray!" Tinapik niya yung kamay kong may hawak na bibingka. "Ano ba!?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Akin lang 'yan," aniya ng naka nguso.
"Isa lang naman. Penge lang eh..." I pouted.
"No."
"Penge."
"No."
"Penge."
"No."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Pahingi na kasi... ang damot mo naman para isang bibingka lang eh. Sige na please?" Nagpa cute pa ako para bigyan niya. Pero hindi parin nagbago ang itsura niyang nakasimangot pa rin.
"No."
"Ba't ba ang damot mo? Kung hindi naman dahil sa'kin hindi mo naman matitikman 'yan."
"Well, thanks for that." aniya ng nakangisi at kinuha ang hawak kong bibingka tapos ay humiwa ng isa pa at isinubo.
"Ayon lang? Thanks? Baka pwede naman akong makatikim ng bibingka mo..."
"No."
"Ang damot mo! Nag lilihi ka ba?" bulalas ko. "Pahingi lang naman. Isang bibingka lang."
"Hinde."
"Kalahati."
"No."
"1/4."
"No."
"1/8."
"No."
Kainis naman 'to. Gutom na ako!
"Sige na...""Hinde. Hinde. At hinde."
I growled because of frustration. "Sana hindi nalang kita pinatikim niyan! Mag tae ka sana ng bibingka!" sabi ko at nilisan ang kusina.
Makaligo na nga lang ang damot ng isa dito. Nakakainis.
Pagka tapos kong maligo ay lumabas na ako.
"'Yan buti naman at naka ligo kana. Halika na. Kakain na tayo sa baba..." aniya nang makalabas ako galing sa kwarto. Hinihintay na niya pala ako.
"Madamot." Bulong ko.
Biglang kumunot ang noo niya at naningkit ang mata. "Ano sabi mo? Madamot?"
Bumaling ako sa kanya. "Oh bakit hindi ba? Ang damot mo para isang bibingka lang ayaw mo pang ibigay!"
![](https://img.wattpad.com/cover/177934389-288-k19749.jpg)
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
Storie d'amoreSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...