C H A P T E R 1 3
EMMAN
Habang naliligo ako ay nakaisip na naman ako ng isang plano. Pero sa ngayon, hindi ko muna iinisin si Stella kundi palalamigin ko muna ang ulo niya. Alam ko na mainit iyon dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi pero pagka tapos nito, babalik na naman ako sa pang aasar sa kanya.
Naisip kong ipunta siya sa Palawan. Sigurado akong mapapawi ang sama ng loob niya sa'kin pag nakarating kami doon at makakalimutan niya ang problema niya dahil ma aaliw siya sa angking ganda ng Palawan.
Pagkatapos kong nag bihis ay nag pa book na ako sa Palawan. Nag pa reserve na rin ako ng isang room na may dalawang kwarto sa isang hotel. Pagkatapos niyon ay lumabas na ako ng bahay at pina andar ang kotse ko.
Pagka dating ko sa opisina, wala pa si Stella.
Sus! Late na naman! Wala ng bago!
Pagka upo ko sa swivel chair ko ay sinimulan kona ang trabaho ko.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto.
Tumingala ako doon at doon nakita ko si Stella na masama ang tingin sa'kin at sobrang salubong ang kilay niya. Hindi ko maiwasang matawa sa reaction niya.
"Anong itina tawa-tawa mo riyan? Huh? Akala mo nakatuwa 'yung ginawa mo sa'kin? Ha! Bwiset ka!" aniya at sumugod sa'kin. Pinag hahampas niya ako sa braso ko gamit ang shoulder bag niyang kulay pink. "Bwiset ka! Naubos ang pera ko sa walang hiyang pagkain na inorder mo! Tapos hindi mo pa ako hinatid! Kaya naghintay ako ng matagal! Ano? Ha! Nakakatawa ba 'yun? Paano kung sa'yo ko gawin 'yun? Bwiset!" sigaw niya at patuloy sa pag hahampas sa'kin.
"Tigilan mo 'yan kung ayaw mong halikan kita." banta ko sa kanya.
"Tss! Wala akong pake elam bwiset ka!" aniya at tinuloy ang paghahampas sa braso ko kasabay ng pagsabunot sa buhok ko.
"Aray! Stella! Ayaw k-kona! Isa! Hahalikan talaga kita!" banta ko uli sa kanya ngunit hindi siya nagpadala roon.
Hahalikan talaga kita Stella kapag hindi ka tumigil diyan!
Hindi siya nagpatinad sa'kin. Kaya ang ginawa ko ay hinuli ko ang mga kamay niya at itinulak siya pader. Nakita ko ang pag pula ng mga pisngi niya dahil sa ginawa ko.
Ngumisi muna ako bago nag salita.
"Tss... Stella baka nakakalimutan mong lalaki ako at babae ka lang. Mas malakas pa rin ako kahit anong gawin mo," hinaplos ko ang buhok niya gamit ang kamay ko at tinitigan ko ang ganda ng mukha niya bago bumaling sa kanyang mapupulang labi. Mas lalong pumula ang pisngi niya at nag iwas ng tingin. "Hindi ako mag dadalawang isip na tikman ang tamis niyang labi mo. Huwag mo ako hamunin Stella..." Umiling muna ako bago nagpatuloy. "Huwag na huwag Stella, 'wag na 'wag..." banayad kong sinabi at dahan dahang dinampian ng halik ang kanyang labi. Mabilis at matamis na halik.
"Magpa alam ka. Pupunta tayo sa Palawan bukas. Dalawang araw tayo roon. Susunduin kita mamayang hapon sa bahay niyo..." Matapos kong sabihin iyon ay iginala ko ang mga mata ko sa kanyang mukha. Parang kamatis na ang pisngi niya sa sobrang pula.
Hindi siya sumagot. Kaya binitawan ko na ang mga kamay niya at umupo ulit sa swivel chair ko at nagpatuloy sa trabaho.
STELLA
Hindi parin ako makapaniwala sa nagyari kanina lang. Hi-hinalikan niya ako 'diba? 'Yung mata niya, nakakapanlambot; 'yung pananalita niya, nakakagaan ng loob; 'yung labi niya, ang lambot. At ano ang sabi niya? Palawan?
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...