C H A P T E R 1 8
EMMAN
Natapos ang swimming namin ni Stella ng kong iniiwas ang tingin sa kanya. Parang kung mas tititigan ko siya ay mas lalo akong mahuhulog sa kanya. Hindi ko alam pero parang unti-unti ng nauupos ang apoy sa akin.
Habang naglalakad kami papuntang room namin ay napapaisip na ako.
Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya. Dapat magawa ko na ang plano ko. Bago pa ako tuluyang mahulog ay kailangan mapasagot kona siya kung hindi ay hindi magiging successful ang plano ko.
Dapat ngayong gabi ay mapasagot ko na siya. Kailangan ko ng gumalaw lalo pa't malapit ng dumating si Riah. Dapat ay mapasagot kona siya bago niya pa malaman ang lahat.
Sumulyap ako kay Stella at humugot ng malalim na buntong hininga. "Ah... Stella, mauna ka muna sa room. May daraanan lang ako saglit." Paalam ko. Ngumiti lang siya at tumango bago nagpatuloy sa paglalakad habang ako ay nakatayo parin at pinanood muna siyang mawala sa paningin ko bago tumahak sa ibang direksyon.
STELLA
Mag isa ko nalang ngayon sa room at nanonood ako ng TV habang hinihintay si Sir Emman. May pupuntahan daw siya kaya nga lang ay hindi niya sinabi kung saan. Batid kong baka may kakausapin lang siya tungkol sa trabaho at naiintindihan ko naman iyon.
Nagpatuloy ako sa panonood ng TV hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako sa harap niyon. Nagising nalang ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at nang tanawin ko ang labas ay roon ko napagtantong gabi na pala.
"Dinner is ready!" bungad niya.
Ngumiti ako dahil sa wakas ay makakakain na rin. Nagutom ako sa mga ginaw namin lalo na ang swimming.
"Tara. Gutom na ako..." sabi ko at lalabas na sana pero hinarangan niya ako.
"Wait!" Pigil niya sa akin. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at marahang tinupi iyon. "Blind fold ka muna..." ngumiti siya at dahan-dahang pumunta sa likod ko para itakip ang panyo sa mata ko.
Taka man sa ginagawa at pinaparamdam niya ay hindi ko rin maiaalis ang kasiyahan sa pusko ko. Rinig ko ang bawat hinga niya sa batok ko at ramdam ko rin abg malambot niyang kamay at ang kanyang nakakahumaling na amoy.
"A-Ano ka ba! Baka naman mabunggo ako niyan!" reklamo ko nang magsimula na niya akong akayin sa paglalakad. Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon at medyo lumalakas narin ang kalabog ng puso ko.
"Hindi 'yan, nandito naman ako..." mahinanong aniya mula sa gilid ko. Hawak niya ang kanang kamay ko at ang isa namang kamay niya ay nakapalupot sa baywang ko para suportahan ako.
"Ready?" sabi niya nang sa wakas ay huminto na kami. Kinakabahan naman akong tumango dahil marami ng bagay ang pumapasok sa utak ko.
Mula sa likod, dahan-dahan niyang inalis ang blind fold ko. Dahan-dahan din namang nag liliwanag ang paningin ko. Nang magawa niyang alisin iyon ay tanging malabong paningin lang ang nakikita ko. Hindi ko rin alam kung nasaan kami.
Kinusot-kusot ko muna ang mata ko para lumiwanag ang paningin ko. Ilang sandali pa ay unti-unti ko nang natatanawan ang mga liwanag ng kandila. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko na nasa gilid kami ng beach. May nakita rin akong isang lugar na napapalibutan ng pink na kurtina at sobrang daming ilaw sa paligid niyon. May mga bulaklak din na nakapaligid doon.
"Let's go..."
Inaya ako ni Sir Emman na pumunta sa lugar na iyon. Nauna siyang maglakad at sumunod naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...