C H A P T E R 1 0
Emman
Nang umalis ang nanay ni Stella ay inilibot ko ang paningin ko sa mga bagay na naroon sa paligid hanggang sa natuon ang atensiyon ko sa family picture nila. Hindi ko maiwasan ang mainggit at malungkot. Kung sana lang ay naranasan ko rin magkaroon ng nanay. We never had a family picture before. Buti pa sila.
Tinitigan ko ang lahat ng picture na naroon, hanggang sa maagaw ulit ang atensiyon ko nang batang Stella.
I smiled when I saw her picture. Naka smile siya at naka piece sign sa picture wearing a hello kitty shirt and pajamas. Naka ponytail din ang buhok niya sa magkabilang gilid ng ulo niya. She was so cute.
Matapos mapukaw doon ang atensiyon ko ay lumingalinga ako sa paligid at nakita ko ang mga bintanang gawa sa kahoy.
Ngayon lang ako nakaranas na makalanghap ng sariwang hangin mula sa labas.
Ang sarap sa pakiramdam, ang presko...
Napapikit pa ako sa paglalanghap ng sariwang hangin mula sa labas. Hanggang na magulat ako dahil may biglang nagsalita sa likod ko.
"Ginagawa mo?"
“Wala. Nag lilibot lang. Ang presko ng bahay niyo ah...”
Nakita ko ang pagpipigil niya ng kilig. Napangiti naman ako ng kaunti sa reaction niya. Mula noon hanggang ngayon cute pa rin siya.
Namula ang pisngi niya nang titigan ko pa siya lalo kaya naman nang subukan niyang tumalikod at lumayo ay sumunod ako. Agad ko siyang niyakap patalikod.
"Baby..."
Stella
Mas lalong nag-init ang pisngi ko dahil sa mainit na bisig na pumalupoy sa akin at ang usal niya. Raramdamin kona sana ang moment nang makarinig ako ng iilang hagikgik sa balikat ko.
"Feel na feel, ah..." bulong niya bago kumalas sa akin at nagpakawala ng halakhak.
Bigla namang uminit ang pisngi ko kasabay ng ulo ko kaya inirapan ko siya. "May gagawin ka pa ba rito?" Humalukipkip ako habang siya ay tawang-tawa sa sarili niyang kagaguhan.
"Ganiyan ka pala umasta sa mga ‘manliligaw’ mo Stella, hindi mo pinahahalagaan ang presence nila," aniya ng tumatawa pa rin. Kung hindi lang ko lang ito boss ay matagal kona talaga itong tinadyakan.
Emman
"Anong nangyayari diyan?" Nawala ang ngiti ko nang makarinig ako ng tinig mula sa likuran."Wala po. Ihahatid ko lang po sa labas ang 'manliligaw ko, sige po." ani Stella, at matalim na bumaling sa akin.
"Ha!? Talaga ba? Hindi naba siya maghahapunan-“
"Ma. Ihahatid ko na po si Emman," putol ni Stella sa nanay niya at bahagyang hinila ang damit ko.
"Ganoon ba? Oh sige, magiingat ka hijo. Nagagalak akong makillaa ka..."
"Ako rin po Ma'am-"
Ngumiti siya. "Huwag muna akong tawaging Ma'am, napaka pormal naman ata noon, Mama nalang ang itawag mo sak-"
"Ma." Pigil ni Stella sa nanay niya.
"O, sige ihatid mona siya sa labas Stella." Palangiting paalam ng nanay niya.
"Tara na." Aniya, agad naman akong sumunod sa kanya sa paglalakad.
Inihatid niya nga ako hanggang sa gate nila. Kumaway pa ang nanay niya sa sa’kin at ganoon din naman ako sa kanya samantalang naka bisangot pa rin ang mukha ni Stella. Nagpaalam nalang ako sa kanya at tumango nalang siya bago ko lisanin ang bahay nila.
StellaMatapos kong ihatid si Sir Emman ay pumasok na ako. Maya-maya pa ay napagdesisyonan kong pumunta nalang sa mall para maibsan ang inis ko.
Pagkarating sa Mall ay sa isang sikat na book store agad ang punta ko para mamili ng panibagong babasahin. Nang matapos akong bumili ay naglakad na ako habang inililibot ang tingin sa buong paligid nang biglang may nakasagi sa akin.
Natapon lahat ng laman ng paper bag na hawak ko at nagsikalat lahat ang mga librong pinamili ko.
"Oh my god! I’m sorry miss! This is my fault! I’m sorry, I’m sorry!" Paulit-ulit na paumanhin ng lalaking nakabangga ko at tinulungan akong pulutin ang mga libro.
"No. This is also my mistakes kasi hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. I’m sorry," sabi ko pambasi habang pinupulot ang mga pinamili ko.
Pagkatayo ko ay biglang kumunot ang noo ko nang nakita ko ang babaeng medyo may katabaan ang katawan at medyo may edad na. Sa tantiya ko ay mga nasa trenta’y anyos na ito.
"Ikaw ba ‘yung naka bangga ko?" tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya.
"Bakit na turn off kaba kasi boses lalaki?Kala mo destiny na? Hindi teh! Hindi ako pumapatol sa tulad mo." Aniya at ngumiti. Ilang sandali ay napaisip siya at bigla niya akong inikutan at tignan mula ulo hanggang paa. A”mo, pwede ka sa modeling...” aniya, tila napapaisip. “Ang tangkad mo at ang ganda mo! Gusto bang mag model? Saktong-sakto naghahanap kami ngayon!” anyaya niya.
Ngumiti lang ako sa kanya. "Actually may balak po akong mag model, marami ring nag sasabi na mag model ako maski mga magulang ko. Pangarap ko rin iyon mula pagkabata, kaso hindi ko maiwanan ang trabaho ko lalo pa’tsa akin umaasa ang pamilya ko."
"Sabagay... Naiintindihan ko ang kalagayan mo. Peroapag nag iba ang isip mo pwede mo akong tawagan. Naghahanap ako ng mga model na ipapapunta sa Dubai, kaya kung baka sakali… baka lang naman na magbago ang isip mo, pwede mo akong tawagan sa numurong ito…" aniya at iniabot ang isang putting calling card.
"S-sige po salamat," sabi ko nalang sa kanya at tinanggap ang calling card. Ngumiti naman siya sa’kin at inilahad ang kamay niya kaya tinanggap ko rin iyon.
"Jelcie nga pala…" pakilala niya sa sarili niya.
"Stella, po," pakilala ko naman sa’kin.
“Oh, please stop saying 'po' mas tumatanda ako eh,” he laughed. “Pero medyo lang naman,” he continued.
Pilit naman akong ngumiti sa mga biro niya.
"Oh, so... Ano na, mauna na ang bakla... Bye Stella... nice to see you. I hope, we will meet again, pero hindi ko alam kung saan at kailan.. But then, i'll go ahead? Bye..." kumaway siya at tumalikod papalayo sa’kin.
Nang makita ko siya sa malayo ay tinignan ko ang card na ibinigay niya sakin.
FASION MODEL?
Tatanggapin ko sana ito kaso…
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...