Chapter 15

447 18 1
                                    

C H A P T E R  1 5




STELLA

Nagising nalang ako kinabukasan nang may kumalabit sa paa ko.

"Bangon na tanghali na,! Marami pa tayong pupuntahan ngayon." ani nung kumakalabit sa'kin.


"Mmm..." ungol ko. Hindi ko pa rin binubuksan ang mga mata ko.


Narinig ko ang pagsinghap niy. "Kaya pala lagi kang late dahil tanghali kana kung gumising. Ang hirap mo pang pabangunin..." dinig kong bulong niya. "Tayo na riyan at maligo kana. Hihintayin kita sa labas. Sabay tayong bababa," aniya at narinig ko nalang ang pintuang sumara.

Pagka alis niya ay ilang minuto pa akong nagmuni-muni sa kama bago kumilos. Papikit-pikit pa ang mata ko nang nag shower.

"STELLA BUMANGON KANA RIYAN! THIRTY MINUTES NA KITANG HINIHINTAY RITO!" dinig kong sigaw ni Sir Emman galing sa labas ng kwarto.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos narin akong maligo. Pag bukas ko sa pintuan ng banyo ay bumungad agad sa'kin ang salubong na salubong na kilay ni Sir Emman.

Tinignan ko muna ang kabuan ko bago bumaling sa kanya. Naka roba naman ako at may twalya sa buhok kaya wala naman siyang makikita.


"Bakit ang tagal mo? Ganoon ba karami ang libag sa katawan mo para tumagal ka sa pag ligo? Kanina pa kita hinihintay..." aniya at tumalikod. "Mag bihis kana bababa na tayo." Dagdag niya at lumakad ng umi-iling.

Nakangusong sinunod ko nalang siya at nag bihis na. Pagka bukas ko sa pintuan ng kwarto ko ay nakita ko siyang naka pandekwatro na nakaupo sa sofa. Diretso lang siyang nakatingin sa'kin at walang emosyon.

Maya-maya pa ay tumayo na siya at lumapit sa pintuan.

Binuksan niya iyon at bumaling sakin "Come on," aniya at isinenyas ang ulo niya.

Nang maka labas ako ng pintuan ay isinara na niya iyon.

"Let's go?" aniya at nagpa unang maglakad.

Hindi na ako sumagot. Hinabol ko nalang siya hanggang sa maabutan ngunit ilang sandali pa ay napalingon ako nang may sumigaw sa likod namin.

"Emman!"

"Sabi na nga ba eh si Emman..." aniya tila hindi makapaniwala nang mapagtantong si Sir Emman nga ang tinatawag niya nang lingunin namin siya.


Mula sa malayo, nakita ko ang isang lalaking tumatakbo papunta sa gawi namin. Malawak ang ngiti niya nang makarating sa amin.

"Steff?" bulong ni Sir Emman. Gulo naman akong napatingin sa kanila.

"Kamusta bro?" ani nung lalaki nang tuluyang makalapit sa'min.

"Ayos lang naman. Ikaw?" Saad ni Mr. Dimple sa lalaki.


"Naks! Ito, ayus lang din. Ginagawa mo dito?" Aniya at bumaling sakin. "At sino naman tong magandang binibini na ito?"

Pilit na ngiti nalang ang iginanti ko sa kanya.

"Ah... By the way. Stella, this is Steff. Steff, this is Stella." Pakilala samin ni Mr. Dimple.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Pabalik ulit sa ulo.

"Stefferson, Clint." Aniya sabay lahad ng kamay sakin.

"Stella, Magday." Usal ko, at tinanggap ang kamay niya.

My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon