C H A P T E R 5
Stella
Matapos ang eksena namin na iyon ni sir Emman ay agad akong tumakbo palabas ng office niya dahil sa kahihiyan na natanggap. Dali-dali akong lumabas ng building at nag-abang ng masasakyan. Nang maka-uwi ako sa amin nakita ko ang gulat sa mukha ni mama. Nagtatakang, nagtanong siya sakin kung bakit daw ang aga ko. Hindi na ako sumagot sa tanong niyang iyon, at pumasok agad ako sa kwarto ko. Kinandado ko ang pinto at nagtalukbong ng kumot. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.
Nang magising ako ay alas quatro y media palang ng umaga, kaya nag-basa muna ako pampalipas oras. Laking pasasalamat ko ngayon at sa susunod pang araw dahil naka bakasyon siya sa lunes hanggang huwebes kaya hindi ko siya makikita sa mga araw na iyon. Babalik siya sa biyernes para ganapin ang welcome party na inihanda niya mismo.
Araw ng sabado ngayon kaya hinga-hinga muna. Nilibang ko lang ang sarili ko sa pag-babasa ng mga pocket books maghapon, at noong linggo naman ay naglibot ako sa mall para bumili ng mga bagong pocket books, dahil paubos na ang mga binabasa ko.
Noong sumapit ang lunes ay hinga-hinga lang din ako dahil nasa bakasyon siya, at wala din akong gagawin tunga-tunganga lang maghapon.
Emman
Nag bakasyon ako sa Mactan Island sa Cebu. Pagka babang pagkababa ko ng maleta ay may tumawag agad. Nang tinignan ko ang tumawag ay si Tito Ruello pala kaya sinagot ko agad ito.
"Ohh Hi Son! How’s are company there?" Panimula ni Tito Ruello sa akin.
"Well, It's good in my hand, Tito,” I respond habang naglilibot ako sa buong kwarto.
"That's good to hear son. Anyways I forgot. How's your secretary? Stella Magday?" Oh That's stupid girl. Naalala ko tuloy ang sinabi niya sa’kin last friday at hanggang ngayon, hindi parin maalis sa isipan ko ang reaction niya. She's annoying, and the same time, entertaining. Gustong-gusto ko siyang asarin dahil ang cute niya mag blush at pag naiinis.
“Well tito I have no problems with her. Just her being latecomer as you said. But in terms of her work? No, she’s really a truly a good secretary indeed.”
"I’m glad to hear that my son. Kaya nga hindi ko siya inilipat ng pwesto dahil alam ko magkakaunawaan kayo. Well anyway, I have some meetings to attend. Bye for now, take care always I love you."
"As you too," I respond.
Tito Ruello is not my biological father. Kapatid siya ni mama. He adopted me when I was a child. He told that my mother died a few days after I was born, siya ang tumayong tatay ko mula noon at ang totoong tatay ko naman daw ay may asawa. Tito Ruello told me that my mother is a mistress. Pero ang sinunod nilang surname ko ay ang surname ng papa ko. Nagkakilala raw sila sa bar na pinag-tratrabahuan ng mama ko rati. My father is a German, and I’m half Filipino, half German. Hindi kopa nakikita ang tatay ko ever since, si mama naman ay nakita ko sa picture lang, parehas kami figure ng mukha kaso ay mas ma ganda nga lang ang akin. I almost looked like my mother except my eyes and jaw that came from my father. Umaasa parin ako na sana makita ko siya. Hindi ako kailanman nagtanim ng sama ng loob sakanya, gusto ko lang siyang tanungin kung bakit niya iniwan si mama ng ganoon-ganoon nalang, at kung bakit niya iniwan ang responsibilidad bilang ama.
Laking pasasalamat ko naman at napunta ako kay Tito Ruello. Hindi ko siya matawag na Dad dahil hindi ko naman siya totoong ama but he understand my side kung bakit tito lang ang tawag ko sakanya.
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...