C H A P T E R 2 0
STELLA
N
gayong araw ang first monthsary namin kaya naman napaka special ng araw na ito para sa'kin.
Naglalakad na ako ngayon papuntang bake shop. Kung saan ako nagpagawa ng cake kahapon. Sobrang excited ko ngayong araw na ito. Hindi rin mawala-wala ang mga ngiti ko sa labi habang naglalakad.
Nang magawa kong marating ang bake shop ay naghintay muna ako ng mga ilang minuto. Nang makita kong unti nalang ang nakapila sa cashier ay pumila na ako.
"Ano pong sa atin Ma'am?" nakangiting bungad sa'kin ng isang cashier ng makalapit ako sa kanya.
"Ahm... 'Yong mocha cake na pina reserve ko kahapon?" nakangiti ring tanong ko sa cashier.
"Ano pong name nila, Ma'am?"
"Stella Magday po,"
"Ahh..." tumango siya at may kinalabit sa computer. "Wait lang po ha? Kukunin ko lang po." Aniya at umalis sa pwesto.
Ilang minuto pa akong patingin-tingin sa paligid ng mag salita ang cashier na kausap ko kanina lang.
"Ito na po ang cake niyo Ma'am..." pakita niya sa cake at napangiti naman ako nang makita iyon. Ibinalot niya iyon bago tuluyang ibinigay sa akin.
Kumalkal naman ako sa pitaka ko ng pera para bayaran ito. Iniabot ko sa kanya ang salapi. "Ito po." Kinuha naman niya iyon at binuksan ang kahera.
"Ito po ang change," nakangiting abot sa'kin ng sukli, plastic, at resibo.
"Salamat,"
"Thank you, Ma'am. Come again!"
Tumungo lang ako at nagpaalam para umalis. Matapos kong makuha ang cake ay sumakay na ako ng tricycle.
"Sa RPLM po Kuya," sabi ko sa driver pagkasakay ko.
Nang makapasok ako sa building ay nagsimula na naman ang mga bulungan.
"Hala, ayan na siya."
"Ayan na si malandi."
"Grabe, hindi nalang nahiya. Boss pa natin ang nilandi niya."
"Wala talagang hiya 'yan."
"Kala mo mahinhin, iyon pala isang flirt."
"Gold digger."
"Manggagamit."
Ayan ang naman ang mga salitang naririnig ko araw-araw sa tuwing dumadaan ako sa hallway papuntang office ni Emman. Hindi ko nalang sila pinansin, bagkus nag dire-diretso nalang ako sa opisina ni Emman. Sanay na ako sa mga 'yan.
Nang makarating ako sa harapan ng pinto ay huminga muna ako ng malalim sabay tingin sa plastic na hawak ko.
Unti-unti kong binuksan ang pinto ng opisina ni Emman. Pero nanlaki na lamang ang mga mata ko sa bumungad sa'kin.
Nakita kong nakikipag halikan si Emman sa isang babae. Malalim iyon at sabik na sabik. Nakapulupot ang braso ng babae sa leeg ni Emman habang siya naman ay inaalalayan ang baywang ng babae para hindi ito matumba.
Mabilis na sumikip ang dibdib ko at nangilid ang mga luha ko. Dahil sa panginginig, nabitawan ko ang plastic na hawak ko dahilan para magitla sila sa ginagawa nilang kababuyan.
Nakatabingi na ang damit ng babae at si Emman naman ay magulong-magulo na ang buhok. Parehas silang napatingin sa akin. Ang babae ay nagulat at tila nainis pa dahil sa paglusot ko sa iksena ngunit si Emman naman ay nakatingin sa gilid at nag-iiwas ng tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...