C H A P T E R 6
Stella
"Hay nako! Bala ka nga riyan, mamatay kana sana," ibinulong ko ang huling sinabi at dahil sa sobrang inis ay padabog kong isinarado ang pintuan at pinabayaan siyang mamatay sa tawa roon. Bwiset ka Emman!Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagpunta sa salon. Engrande raw ang welcome party na inihanda niya kaya dapat engrande rin ang mga dadalo.
Pagtapos nag pa-salon ay umuwi ako at nag pa-ayos. Nag renta ako ng taong mag aayos sa'kin at inutusang pumunta sa bahay. Ilang sandali pa ay natapos ang pag-aayos.
Tumingin ako sa salamin at malayang tinitigan ang sarili. Bumagay sakin ang suot kong Black lace ball gown na sinamahan pa ng V-Earings at black purse. Pati ang hills ko ay black, kaso ay hindi iyon halata ng dahil sa gown. Pero bagay naman sakin ang black dahil maputi ako at makinis ang balat. Hindi ko napigilang hindi mapangiti habang tinitignan ang sarili sa salamin.
"Wow ma'am, sobrang ganda niyo po. Nakaka proud!" kinikilig na bati ng nag ayos sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "Salamat,"
Lumabas ako sa taxi at ang maiinit na mata ng karamihan agad ang aking naabutan. Nang makapasok ako ay halos magkamayaw naman ang mga lalaki at pati narin ang mga babae sa katitingin sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanila.
Maganda ang preparation ng lugar, engrandeng-engrande nga. Maraming taong nakapalibot sa gilid ng ginawa nilang stage kung saan ay may mga drums, piano, guitar at mga neon lights na nasa taas ng stage. Marami ring nakapalibot na kulay puting bilog na lamesa at sa gitna naman ay may pyramid of glass na may lamang alak. Grabe ilang oras kaya nila 'yang ginawa? Grabe, sa movie ko lang ito nakikita noon ngayon nasa harapan kona!
Maya't maya ay may umakyat sa stage. Sa tingin ko ay MC iyon. Hindi ako pamilyar sa mukha eh. Hindi nagtagal ay hinanap ng mata ko si sir Emman, ngunit kalaunan ay walang ni anino niya ang nagpakita.
Nandito na kaya siya? Ano kaya ang itsura niya?
Matapos mag salita ang lalaki sa stage ay nag simula nang tumugtog ang Banda.
It was a love song, ang sarap pakinggan ng kanta lalo pa't magalingnang singer nila. Ang iilan ay nagsimula ng magsisayaw sa gitna habang ako naman ay patuloy parin sa paglilibotbsa paligid. Hindi mahanap ng mata ko si sir Emman kaya tinitigan ko nalang ang mga nagsisisayawan sa gitna. Hindi nagtagal ay tumama ang tingin ko sa lalaking nasa stage. Marami siyang kausap, mga hindi ko kilalang tao na tingin ko'y stakeholders. Nagdalawang isip pa ako kung lalapitan koba siya o hindi pero bago ko pa man magawa iyon ay may kumalabit sa akin na waiter. Tatanggihan ko sana ang alok niyang alak pero na realize ko na minsan ang ang ganitong event kaya dapat sulitin ko. Isa pa, matanda narin naman ako at pwede na akong uminom.
Nang makakuha ng isang glass ng vodka ay agad ko iyong tinikman. Biglang rumehistro ang pait sa aking dila at ang init sa aking lalamunan hanggang tiyan. Una palang ay napa iwas na ako at nang pagtingin ko sa kung nasaan si sir Emman ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin ngunit saglit lamang iyon at binawi niya rin.
After that shot I was supposed to come over to him when suddenly a guy came to me and held out his hand.
Tinanggap ko iyon at nakipagsayaw rin sa kanya. Pumunta kami sa gitna ng dance floor kasabay ng pagpapalit ng panibagong kanta.
"Ganda mo ngayon miss secretary," ani nung lalaki na kasayaw ko.
"Salamat, ikaw rin naman, a-ang gwapo mo," pagbalik ko ng puri sakanya. Gwapo siya at matangkad. Mga 5'11 ang taas at sa tingin ko'y basketball player ito.
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
Roman d'amourSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...