C H A P T E R 9
Stella
WTF!?
Bigla akong kinuryente nang marinig iyon mula sa kanya. Manliligaw? Kailan siya nagpaalam sa akin na manligaw? Baliw na ba ‘tong lalaking ‘to? At sa harap pa ni Mama?
Nagpabalik-balik tuloy ang tingin ko sa dalawa. Inaabangan kung sino ang unang magsasalita.
“Manliligaw?” kunot-noong tanong ni Mama. Hi-nead to toe niya pa si Sir Emman para kilatisin. Maya-maya pa ay bigla nalang siyang ngumiti. “Aba eh... napa gwapo naman pala ng manliligaw ng anak ko! Halika hijo, mag meryenda ka muna rito…" ani Mama at hinila si Sir Emman sa kusina.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa reaksyon ni Mama o hindi. Pero malaki pa rin ang pagtataka ko kung bakit sinabi iyon ni Sir Emman.
"Naku, naku, naku. Welcome na welcome ka dito sa bahay namin. Aya! Halika, oh hijo umupo ka dito, at ipaghahanda kita. Mag hintay ka." Ani mama at pina upo si Sir Emman.
Habang ako naman ay pumunta sa kwarto ko para maligo at makapag bihis pakiramdam ko meron parin ang alak sa katawan ko kaya kailan kong mag hugas.
Emman
Hindi ko mapigilan ang hindi matuwa nang makita ko ang reaction ni Stella. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni niya nang sinabi kong manliligaw niya ako.
Maniwala ka naman Stella? It's a part of the show. Kulang pa ‘yan sa mga ginawa mo sa’kin. Yung pag aalaga ko sa’yo, ‘yung pag suka mo sa dibdib at kama ko and many more.
Nang pina upo ako ng nanay niya sa lamesa nila ay nakita ko siyang pumasok sa isang pinto. Batid kong kwarto niya iyon. I smiled while watching her.
“Oh hijo,” bigla nalang akong napabaling nang muling bumalik ang nanay ni Stella. “Ito ang paboritong meryenda ni Stella baka sakaling magustuhan mo,” nakangiting sabi ng nanay niya. Iniabot niya sa akin ang isang pingan ng egg pie at isang baso ng mango juice.
"Salamat po," ngiti ko naman pabalik.
Nag kwentuhan pa kami ng mga ilang minuto bago kami makarinig ng pag bukas ng pintuan. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tunog at doon ko nakitang lumabas si Stella sa pintong iyon habang nag pupunas ng buhok. Hindi niya kami napansin kaya nagpatuloy siya sa pag lalakad palabas ng bahay nila.
"Hijo," tawag pansin sa’kin ng nanay ni Stella."Po?"
Napangiti siya at parang pinagmamasdan ang mukha ko. Para bang ine-examin iyon kaya naman nakaramdam ako ng kaunting ilang sa ginagawa niya.
"Alam mo hijo... parang may kamukha ka. Pamilyar s’yang hugis ng mukha mo. Maari ko bang malaman kung sino ang tatay at nanay mo?" tanong niya sa’kin.
Napa-isip ako ng bahagya kung sino ang tatay na babangitin ko. Yung biological father ko ba o si Tito Ruello? Kapag sinabi kong si Tito ang tatay ko, baka magtaka siya bakit Tito ang itinatawag ko. Kaya napag pasyahan ko na ang totoong tatay ko nalang ang babangitin ko.
"Si Cafyientie po ang tatay ko, at ang nanay ko naman po ay si Rosita," sagot ko sa tanong niya. Napa tango-tango naman siya.
"Hmm... Ma arte pala ang pangalan ng Tatay mo eh, ano? Cafyientie? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyan. Parang pang mayaman at 'tsaka parang tunog foreigner?" aniya at makahulugang tumawa. Nakisabay naman ako para hindi mailang.
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...