C H A P T E R 1 4
STELLA
Ilang oras akong natulog sa eroplano palipad sa Palawan. Nagising nalang ako nang may kumalabit sa'kin. Dahan-dahan kong ibinukas ang mga mata ko at medyo blurdy pa ang paningin ko.
"We're here," ani Sir Emman.
Hindi na ako sumagot, sa halip ay iginala ko ang paningin ko sa bintana ng eroplano at nakitang pababa na pala kami ng airport. Ilang sandali pa ay lumapag na ang sinasakyan naming eroplano at nagsibabaan naman ang mga pasahero.
Umarkila si Sir Emman ng taxi at alas onse na nang makarating kami sa hotel. Binitbit niya na rin ang mga bagahe namin.
Pagkapasok namin sa hotel ay pumunta siya sa front dest. Kinausap ang mga staff at maya-maya pa ay tumango na siya sa mga ito. Marami pa silang pinag-usapan na hindi ko naman dinig at sa huli ay ibinigay na ang card kay Sir Emman. Pagkatapos niyon ay inalalayan kami ng isang staff papuntang room na kinuha ni Sir Emman. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa harap ng puting pintuan. Nagpaalam pa muna siya sa staff bago binuksan ang pinto.
Namangha ako pagka pasok ko sa loob. Napaka ganda! Kulay krema ang ding-ding, may isang malaking tv naman sa sala, Mayroon ding chandelier na naka sabit sa itaas at marami ring naka kalat na flower vase sa gilid-gilid.
Para na itong mansion sa sobrang ganda, pinadaan ko rin ang mga daliri ko sa dining table. Nag babakasakaling may makuhang alikabok pero wala! Maski katiting wala! Grabe, magkano kaya ito? Ang bigtime talaga ni Sir Emman.
Teka? Kung ito ang room ko? Ano nalang ang kanya?
Matapos kong nilibot ang buong kwarto ay hinanap kona si Sir Emman.
Nakita ko siyang nakaupo sa high chair at umiinom ng tea. Umupo ako sa tapat niya at nagsalita."Pagkatapos mo diyan pwede ka ng pumunta sa room mo. Maliligo pa'ko."
Tumango siya at tinungga ang baso. Tumayo siya at naglakad. Pumasok siya sa isang pinto. Kumunot ang noo ko nang mapagtanong iisa lang ang pinasukan naming kwarto. Sinundan ko siya at pumasok din doon.
"Sino nagsabing pumasok ka sa kwarto ko? Sabi ko umalis kana rito at pumunta kana sa room mo! Balak mo ba akong silipan? Ha?" wala sa sariling sigaw ko.
"Tss... Kapal ng mukha..." bulong niya pero narinig ko naman.
"Ako pa pala ang makapal ang mukha ngayon? Ikaw 'tong pumasok sa kwarto ng may kwarto eh. Umalis kana rito!" sita ko sa kanya. Pero imbis na umalis ay humiga lang siya sa kama.
"Bla... Bla... Bla..." aniya hindi ako pinapansin.
Kaya naman lumapit ako sa kanya at hinampas ang braso niya. "Alis..." Humalukipkip ako.
"Aray! Masakit ah!" Angil niya naman.
"Masasaktan ka talaga kapag hindi ka pa umalis dito! Magbibihis ako! Alis na!" Sigaw ko.
"Ba't hindi ikaw ang umalis rito? Ito ang kwarto ko 'no."
"Anong ito. Hindi pwede! Doon ka sa kabila!" Sita ko at pinaghahampas ulit ang kanyang braso.
"Aray! Ito nga ang kwarto ko! Dalawa tayo rito sa ayaw at sa gus-" mas nilakasan ko pa ang hampas ko dahil sa pinagsasabi niya. Napatigil siya sa pagsasalita at ininda ang sakit ng bawat hampas ko. "Aray! M-Masakit na 'yan ah!" Banta niya nang mahuli ang isa kong kamay.
"ANO? DALAWA TAYO RITO?"
"Oo, ayaw moba?" Ngisi niya.
"Emman!"
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomantizmSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...