C H A P T E R 1 9
STELLA
Magta-tatlong linggo na kami ni Emman. Simula nang araw na iyon ay nag-iba siya. Pagkatapos ng vacation namin sa Palawan ay mas naging hands on na siya sa negosyo niya at sa akin. Kung dati ay pinapagalitan ako, ngayon ay hindi na. Para bang nag-iba ang ihip ng hangin at dahil do'n, mas lalo ko pa siyang minahal. Sa opisina ay normal lang kami, natural ang turingan namin at Sir pa rin ang tawag ko ngunit kapag tapos na ang oras ng trabaho ay doon palang mag-iiba ang mundo para sa amin.
Sa tuwing lunch break ay palagi rin kaming magkasamang kumain. Ngunit kahit pa iba ang tratuhan namin sa loob ng opisina ay marami paring nakaalam na kami na. Maraming humusga lalo na ang mga babaeng may gusto rin sa kanya ngunit hindi ko nalang pinansin iyon. Ang mahalaga ay magkasama kami at totoo kami sa isa't-isa.
Naipakilala kona rin siya kila Mama at Papa noong hinatid niya ako sa bahay nang pagkauwi rin namin mula Palawan. As expected, tuwang-tuwa si Mama at si Papa at si Kuya naman ay masaya para sa amin. Thankful ako sa kanila dahil simula bata ay hindi sila nagkulang sa pagsusuporta sa mga gusto ko. First boyfriend ko si Emman dahil noong high school ako ay ni minsan hindi ko sinuway ang gusto ni Mama na mag-aral ng mabuti. Ngayong may trabaho na ako at kaya ko na silang buhayin ay doon niya palang ako pinayagan magkaroon ng kasintahan.
Linggo ngayon at walang pasok kaya magkasama kami ngayon sa isang park kung saan rin kami laging pinupunta nila Mama at Papa noong mga bata pa kami ni Kuya.
Dito namin napiling I-celebrate ang weeksary namin. Linggo-linggo kami kung mag celebrate ng weeksary at ni isang linggo ay wala kaming absent. Linggo-linggo rin ang pagbibigay namin ng present at ang una kong niregalo sa kanya ay keychain. Kaso nakikita ko ay hindi naman niya masyadong ginagamit. Pangalawa ko namang regalo ay relo. Kaso hindi niya rin masyadong ginagamit. Mas gusto niya rin daw 'yong kulay blue niyang relo kasi importanteng tao raw ang nagbigay sa kanya no'n. Hindi na ako nagtanong dahil masyado na iyong personal. Kahit pa girlfriend niya ako ay dapat alamin ko rin kung hanggang saan ang limitasyon ko.
Ngayon namang pangatlong weeksary namin ay isang picture frame. Ito yung picture namin sa palawan habang nanood kami ng fireworks. Pina frame ko para naman lagi niya akong maalala. Dalawa ang pinaframe ko. Isa sa'kin at isa sa kanya. At least eto hindi na niya kailangan gamitin, idi-display nalang niya pwede sa side table sa kwarto niya sa dest niya or kahit saan man niya gustong i display.
"Happy weeksary..." Nakangiti kong sambit. Nakaupo kami ngayon sa maberdeng damo rito sa park. Sinabi ko iyon sabay abot ng picture frame.
Tinitigan niya muna iyon, bago bumaling sa'kin.
"Paano mo nakuha 'to?" tanong niya at tuwang-tuwang pinagmasdan ang litrato namin.
"Salamat," sabi niya sabay yakap sa'kin.
Ang sarap niyang mahalin. Kahit mayaman siya, hindi niya pinaramdam sa akin ang pagkaiba ko sa kanya. Lahat ng inire-regalo ko ay pinapahalagaan niya.
Ilang oras pa kami doon sa park. Nag kwentuhan, tawanan, asaran, kulitan, lambingan at gabi na nang mag pasya kaming umuwi.
Inihatid niya rin ako sa bahay namin. Pagkatapos magpaalam kila mama, papa at kuya si Emman, ay uwuwi narin siya. Marami pa daw siyang paper works na gagawin.
EMMAN
"Emmam! Ano? Kamusta 'yong panloloko mo kay Stella? Effective ba?" naka ngising bungad ni Steff.
Syempre alam na niya ang tungkol sa plano ko kay Stella na paglalaruan ko ang fellings niya tapos ay iiwan ko sa ere. Sa totoo lang siya yung nag suggest nang proposal ko sa Palawan. 'Fake Proposal' kaya hindi ko maiwanan 'yang si Steff dahil kahit kailan ay hindi ako iniwan at palaging sinusuportahan. At dahil sa tulong niya, ngayon palang masaya na ako dahil nakamit kona ang tagumpay.
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...