C H A P T E R 1
Stella
Ang buong akala ko ay day-off kona ngayon. Mali ata ang na set ko sa kalendaryo ko. Mabuti nalang at meron si mama.Isang buwan palang akong secretary sa RPLM Corp. So far, maayos naman ang naging trabaho ko. Mabait ang boss ko kaya siguro magtatagal ako roon.
Matapos maligo at maghanda ay bumaba na ako para kumain.
Humalik ako sa pisngi ni mama nang makita siyang naghahanda sa lamesa.
"Siya nga pala, kinausap ko si kuya mo na sumabay kana sa kanya," aniya.
"Ha? Ayoko! Mag co-comute nalang ako," pagmamatigas ko.
"Kung mag co-comute ka ay ma la-late kana, mas mabuti pang sumabay kana sa kanya. Mabuti nga at napapayag ko ang kuya mo kaya bilisan mona at nag hihintay pa sa labas ang kuya mo."
Napabuntong-hininga nalang ako ng mapagtantong tama siya. Umupo nalang ako at kumain nang walang magawa.
Sa totoo lang, ayokong sumakay sa van namin dahil sira-sira na. Pamana pa iyon ni lolo kay papa na ngayon ay hawak naman ni kuya. Hindi ko alam kung ilang taon na iyon katagal at napagtya-tyagaan pang gamitin ni kuya.
Dalawa lang kaming magkapatid, limang taon ang agwatan namin. Hindi nakakuha ng magandang kurso si kuya kaya napadpad siya sa isang repairing shop. Ako naman ay hindi na nakatungtong sa college dahil sa kawalan ng pera. Hindi sapat ang kita ng mga magulang ko para pag-aralin ako sa kursong nais ko. Gustohin ko man, kaso hindi ko ginawa dahil sa una't sa huli, ang mga magulang ko lang din ang mas mahihirapan.
Kaya naman isang blessing para sa akin na matanggap sa RPLM Corporation bilang isang secretary. Ginagawa ko ito hindi para sa akin, ngunit para sa ikaaayos ng aking pamilya. Pangarap kong makapaglibot sa ibang bansa at mabigyan ng maayos na tahanan ang aking mga magulang.
Pagkatapos kumain ay lumabas na ako, nahagilap ko si kuya na mayroong inaayos sa harap ng van ngunit nang makita ako ay agad niya iyong isinara.
"Oh, Stella, nandito kana pala, halika sumabay kana sa akin para hindi ka ma late," aniya, at 'tyaka ako pinagbuksan ng pintuan sa front seat.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa office ay nakita ko si Mr Manzano, ang boss ko natila ba'y nag-mamadali at may inaayos na mga papeles. Nang makita niya ako ay natigilan siya ngunit nang makabawi ay ‘tyaka niya ako kinausap.
He chuckled. "I’m sorry Ms Magday, I forgot to tell you that I’m going to state by next week. Biglaan iyon kaya hindi ako agad nakapagsabi.”
Tumango ako. “Kung ganoon po ay magbo-book na ako ng ticket niyo papunta roon.” Mabilis ko namang presenta.
He smiled. “I would like to, but I already book a ticket last night,” he said. Hindi na ako umimik.
“Anyway, your new boss will be out soon so treat him nicely okay?” aniya.
Gulat naman akong napatitig sa kanya at walang masabi matapos marinig iyon.
Tila nahimigan niya naman ang gulat ko kaya ngumiti siya at hinaplos ang balikat ko. “Im sorry, mag re-resign na ako.” Naghimig malungkot ito. “I have a lot of things and businesses in the US so my son will be managing this company.”
Nagulat ako sa sinabi ni Mr. Manzano ngunit naka bawi rin kalaunan.
“Im sorry Ms. Magday. I need to go now, see you tomorrow.” ngumiti siyang muli bago kinuha ang kanyang mga gamit. Tumango lang ako at ngumiti rin bilang ganti.
Kinabukasan ay kabado akong pumasok ngunit napukaw ang aking atensyon ng mga babaeng nag tsi-tsismisan at nagsisigawan sa hallway.
"Ah miss anong meron?" Tanong ko sa babaeng nagmamadali papunta sa conference room.
"Dumating na daw po ang bagong boss Ms. Secretary,” aniya.
“Ganoon ba? Sige, Salamat.” Ngumiti ako sa kanya.
Agad akong pumunta sa conference room upang alamin ang nangyayari.
Pagkarating ko roon ay pinagkumpulan ang buong conference room ng mga babaeng sumisilip sa kung ano man ang naroon sa loob.
Pumasok ako at nakisingit sa mga babae. Nang makarating ako sa loob ay doon ko nakita si Mr. Manzano na ipinakikilala ang lalaking katabi nito sa mga board members.
Tumingin sa akin ang lalaki. Agad naman akong kinabahan dahil sa titig na iyon. Doon ko rin na realized kung bakit nagkukumpulan ang mga babae sa labas.
Matangos ang kanyang ilong at may makakapal na kilay. May kulay rin ang kanyang mata na siyang nagbibigay ng tensyon sa 'tuwing tititigan ka nito.
Maybe he has a foreigner’s blood. Mas maganda ang features ng mukha niya kumpara sa karaniwan. He’s like a hollywood actor na madalas pagkaguluhan dahil sa kagwapuhan.
Ngumiti ito at nag wave sa mga tao. Nagsigawan ang mga babae dahil lang sa galaw na iyon. Or maybe because of his angelic smile and his damn distracting dimple.
Bigla akong nawala sa sarili ng dahil roon. Nagulat nalang ako ng bigla akong sigawan ni Mr. Manzano sa harap.
"Ms. Magday! What are you doing! Kanina pa kita tinatawag pero parang wala kang naririnig!”
Nagsitawanan ang lahat, ako naman ay napayuko dahil sa kahihiyan.
Nang tumingin ako sa lalaki ay nakangisi ito at tila'y pinagtatawanan ang ginawa ko kanina.
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
عاطفيةSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...