C H A P T E R 4
Stella
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga tulad ng sabi ng boss ko. Maaga rin akong nag ayos para hindi ma late. Yun nga lang ay natagalan na naman ako sa pagsakay papunta sa opisina kaya ang ending, late ulit."Good morning sir," bati ko sabay yuko.
Agad na bumungad sa akin ang matalin niyang titig. "You're late again for the second time," aniya.
"I’m sorry sir,"
Umiling-iling siya at tumayo sa kanyang swivel chair. “Buy me a coffee.”
“Okay sir, wait a minute,” yumuko ako at agad na umalis.
Pumunta ako sa baba at naglaglag sa coffe machine. Agad naman akong umakyat nang makuha ang kape.
Ibinaba ko iyon sa mesa niya ngunit kumunot lang ang noo niya nang makita ang kape. Grabe naman. Akala mo naman lalasunin.
Bahagya akong tumawa. “Sir, don’t worry-“
"Hindi ako umiinom ng coffee galing sa tig-limang pisong machine!" sigaw niya sa akin. Natahimik ako dahil do'n "I want my favorite coffee," aniya, sa marahan na tono.
“Okay sir, ano po ba ang favorite coffee niyo?” mahinahon ko namang tanong.
Ginulo niya ang buhok niya. “Never mind. Bilhan mo nalang ako sa Starbucks.”
"Yes Sir," yumuko ako, bilang paalam.
Tulad ng sabi niya ay pumunta ako sa Starbucks at nag order ng kape. Matapos bumili ay dumiretso na agad ako sa opisina niya para iabot iyon.
“Thank you,” aniya at uminom roon.
Napatitig ako sa kagwapuhan niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong nilalang sa tanan ng buhay ko. Tao ba talaga to? Baka naman isang angel na bumaba sa langit, napaka perpekto.
“Please call all my employees and schedule a meeting later,”
Sa sobrang pagkahuling ko sa mukha niya ay nawala na paka ako sa aking sarili. Nagising nalang ako sa kanyang sigaw at sa marahas na pagtapon ng kape sa harapan ko.
"Hey! Are you listening to me?"
“Sir?” nagtataka ko namang tanong.
Ginulo niya ang buhok niya at tila nawawalan na ng presensiya.
“Kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka pala nakikinig?”
Nagsasalita ba siya? Parang wala naman akong narinig ah.
"Ang sabi ko tawagan mo ang lahat ng empleyado ko at mag schedule ka ng meeting mamaya. Now, did you get it?"
"Yes sir,” doon na ako lumabas sa office niya. May narinig akong singhap mula roon.
Kumunot ang noo ko.Agad kong kinuha ang telepono at tinawagan ang lahat ng empleyado. Nag set up narin ako ng meeting at approved iyon kay sir Emman.
"Sir naka ready napo lahat. Kayo nalang po ang hinihintay doon," sabi ko nang magsidatingan ang lahat.
"Oh okay, can you please give me some minutes?" aniya sumulyap sa akin pero nabalik rin ang mata niya sa ginagawa.
Lumipas ang ilang minuto ay lumabas rin siya sa office. Sumunod naman ako sa kanya papuntang conference room.
"Good afternoon, sir," bati nila at nagsitayuan ang lahat.
"Good afternoon," aniya ng magawang makaupo. "Take your seat." Sumunod naman ang mga empleyado. "Pinatawag ko kayo kayo dahil gusto ko ng isang welcome party, at gusto ko ay gaganapin iyon next week kaya be ready okay?"
Hindi kona pinansin ang iba pa niyang sinabi dahil hindi naman connected sa trabaho ko iyon. Lumabas nalang ako ng conference room at naghintay na matapos ang pagtitipon.
Nag hintay ako ng mahigit tatlong oras sa labas ng conference room at malayang tinititigan siya. Salita siya ng salita roon, ngunit Hindi ko marinig ang sinasabi niya dahil sound proof ang salamin ng conference room.
Nang matapos siyang mag tatalak doon ay mga nasa alas sais pasado na, kaya noong unti nalang ang lumalabas sa kwartong iyon ay nilapitan kona siya. May mga kausap siyang mga tao na mataas rin ang posisyon dito sa kompanya.
Nang makita niya ako sa gilid niya ay bumaling siya sakin, nagpaalam narin ang mga kausap niya na lalabas na. Tanging tango lamang ang sagot niya sa kanila.
“Ahh nga pala,” aniya pagkalapit sa akin. “Clean my office before you go,” sabi niya at tuluyan nang lumabas sa conference room.
Yung totoo. Janitress ba ako rito o secretary? Kainis! Araw-araw niya ba ako balak paglinisin sa opisina niya? Eh kung siya kaya linisin ko at ng tumino naman kahit konti.
Sa una ay nagprotesta ako ngunit kalaunan ay wala na akong magawa. Nag punta nalang ako sa office niya at nang matapos ang walang kwentang kahibangan na ito.
Pagpasok doon ay bumungad agad sa’kin ang marumi at makalat nitong office. Noong si Mr Manzano pa ang boss ko ay hindi naman ganito kakalat ang office na ito pero ngayong isang demonyo na ang boss ko, hindi na ako magtataka kung bakit ganito ang itsura nito. Bagay na bagay sa kanya, impiyernong opisina para sa demonyong tulad niya.
Tingin ko'y hindi na ata normal ito. Pinagtritripan na ata ako ng boss ko.
"Kung bakit ba naman kasi Stella ay sinusunod mo ang mokong nayo'n. Kung tutuusin pang aalipusta na ito sa akin."
Magrereklamo pa sana ako ngunit naalala ko perpekto nitong mukha.
“Alam mo pasalamat ka’t gwapo ka, may konsiyensiya pa akong natitira pero kung hindi? Siguradong matagal ko ng sinira ang mukhang iyon. Nakakainis! Napaka demonyo—bwiset!” dabog ko habang namumulot ng mga kalat sa sahig.
Hindi ako tumigil kakadabog at pagsasabi ng hinanakit kay Emman hanggang sa makaramdam ako ng tao sa likod.
"Ehem," nagulat ako nang may biglang tumikhin, napalingon ako sa likod at nakita ko ang naka halukipkip at naka ngising si sir Emman!
“Ano ulit ang sinabi mo?” aniya at nanliit ang matang tinitigan ako.
Kinabahan agad ako at nangalap ng isasagot.
“A-Ah ano po, si manong guard sabi ko ang gwapo. Sayang nga lang at medyo matanda na.”
Tumaas ang ngisi niya at hindi nagsalita habang ako naman ay todo hiling na sana maniwala siya. Kaya para maiwasan ang katahimikang namutawi ay humanap ako ng ibang malulusutan.
“A-Ah sir, bakit po pala kayo nandito? G-Gabi na po ahh,” nagtunog concern ako para hindi mahalata ang kalabog ng dibdib ko kahit pa halata naman iyon sa pananalita ko.
Humakbang siya papalapit sa akin. Kinabahan ako sa kilos niyang iyon.
“Nandito ako dahil…” putol niya at dahan-dahang humahakbang sa akin, at sa bawat hakbang niya ay siya namang atras ko. Tahip-tahip ang bawat atras ko, kaya naman nang matunton ko ang katapusan ay hindi ko na napigilan ang makamundong pag-iisip.
Napapikit ako. "S-sir wag po. V-Virgin pa po ako p-please..." pagka-sabi ko no’n ay biglang may tumakas na luha sa aking mga mata nang dahil sa hindi malamang dahilan. Ilang segundo ang lumipas ng wala akong naramdaman kahit isa kaya nagpasya akong buksan ang aking mata.
Nakita ko siyang kinuha ang coat niya na nakasabit pala sa gilid ko! Ngumisi siya at nagpakawala ng nakakainsultong halakhak.
Tumakbo ako at mabilis na tumakas sa kanyang opisina.
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomantikSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...