Chapter 7

522 23 0
                                    

C H A P T E R 7

Emman


"Hmm... sa akin mo pala gustong magpagalaw ah."

That's right Emman. I think you've got her. Patay na patay na siya sa'yo Emman.

I open my phone and then I recorded her. E-rerecord ko ang mga sinasabi niya. I-sinet-up ko ang phone ko para ma video-han siya. Lumapit ako sa kanya at tinitigan ang mukha niya. Bahagya pa akong napangiti habang tinitignan siya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na may ganito kagandang babae sa harapan ko ngayon. Bakit ba kasi ang ganda mo Stella? Sarap mo tuloy pagtripan.

"Stella, may gusto kaba sa boss mo? Si Emman?" seryosong tanong ko.

"Oo," mabilis niya namang sagot sa'kin.

Halata na nga Emman tinatanong mo pa. Engot!

"A-ah... If you don't mind. Why did you like him? What characteristics did you like about him?"

I knew the answer but I asked it again for the sake of the video. Lets see kung hindi ka malubog sa kahihiyan bukas kapag napanood mo ito.

"Hoy lalaking manyak, wag mo'kong ma english-english riyan! Dumudugo ilong ko sa'yo!"

Napailing ako. Napapa ngiti sa kaingayan niya. Lasing na nga talaga.

"Edi anong nagustohan mo nga roon?"

"Saan?"

"Sak-a-ah I-I mean kay Emman."

Tumayo siya mula sa pag kakahiga niya kanina at tumitig sa'kin.

"Alam mo ikaw? Ang dami mong tanong. Bakit ba? Anong bang pake mo kung gusto ko siya? Kilala ba kita?" sabi niya at itinuro pa ang mukha ko. Ilang saglit ay napakunot ang noo niya. "T-teka lang... parang namumukhaan kita eh. Pamilyar 'yang mukha mo," aniya at kinabahan naman ako. Tinagilid niya ang mukha niya at nanliliit ang matang tinitigan ako.

Mukhang hindi ko maiisan to ngayon ah.

"Ay baka kamukha lang," aniya at napakamot sa kanyang ulo. "Pero talagang kamukha ka eh. Ngumiti ka nga?"

Hindi ko alam kung bakit ba ako napapasunod ng lasing na'to pero ngumiti nalang din ako at tyaka niya ako pinagmamasdan.

"'Yan! 'Yan ang nagustohan ko sa kanya, yang dimple. Parehas na parehas kayo eh," sabi niya. "Kaso nga lang ang dami ng sa'yo, isa lang ang kanya," aniya nang napapaisip. Hinawakan niya ang mukha ko at pinisil ang dimple ko sa kaliwang pisngi. "Isa... d-dalawa..." turo naman niya sa ilong ko. "T-Tat--"

What the hell!

Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang sumuka sa dibdib ko. Ang asim! Kadiri kang babae ka sumusuka nalang nang basta-basta.

"A-Ay sorry nasukahan ata kita sige ako na ang mag p-pupunas niyan," aniya at kinuha ang damit na nasa kama ko. Pinunasan niya ang suka sa dibdib ko pero...

What the fuck!

Itinaas niya sa labi ko 'yong suka niya. Nalasahan ko tuloy! Ang asim! Fuck!

"Why did you do that? Hindi mo nalang sana pinunasan! Ang asim ng suka mo!" sigaw ko sa harap niya diring-diri sa kumalat na suka sa dibdib ko. Ang asim talaga ano bang kinain mong babae ka.

Kunot noo akong kumuha ng tissue at tyaka tiniis na alisin ang suka niya sa akin. Napabaling nalang ako sa kanya nang marinig ko siyang tumatawa.

Ang lakas ng loob. Matapos akong sukaan at patikimin ng suka niya nagawa niya pa talagang tumawa? Iba ka kapag lasing Stella.

My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon