E P I L O G U E
STELLA
"
Nandito na tayo!" nakangiting sigaw ni mama sa'kin. Pero tanging pilit na ngiti lang ang iginanti ko.
Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar. Ang probinsiya ng Tarlac. Ilang taon na noong huli kaming bumisita kina Lola. Tanda ko mga walang taong gulang palang ako noon at masasabi kong marami ng nagbago simula nung huli kong punta rito.
Ang dating puro bukid na makikita mo sa paligid ngayon ay mayroon ng ilang mga bahay. Mga instraktura, pabrika, at iba pa. Naging kalsada na rin ang dating lubak-lubak na daanan namin.
"Anak! Apo!" masayang bati samin ni Lola nang makarating kami sa bahay nila.
Apat lang silang nakatira rito. 'Yong mga magulang ni Mama at mga magulang ni Papa. Yes, magkasama silang mga magbabala-e. Wala na rin naman kasing titirahan ang mga magulang ni Papa dahil nasunugan sila dati. Buti nalang magkasundo silang apat kaya napagdesisyunan nilang manatili sa iisang bahay.
"Ay mabuti naman at napabisita kayo sa'min, naning..." bati ng lola ko, Mama ni Papa. Nagmano ako sa kanya at tuwang-tuwa naman siya sa akin.
"Opo inay. Matagal-tagal narin po noong huli kaming bumisita rito." Si mama.
"Abay ayos 'yan anak!" bungad ng isa ko pang Lola. Nanay ni mama. Umupo siya sa gitna namin ni mama at inilapag ang tea. Ako naman ay naka tunga-nga lang. Kahit naririnig ko sila. Hindi ko sila pinapansin.
"Abay anong nangyari sa apo kong si Stella, Freciah?"
"Kaya nga Ma, isa 'yan sa mga dahilan kaya kami bumisita rito. Nasaktan sa pag-ibig." Dinig kong bulong ni mama. Pero hindi ko parin pinansin.
"Abay kaya pala hindi man lang pumansin sa'kin. Hay nako, ito talagang apo ko. Sabagay at dalaga na. Kaya ayan at sumasabak narin sa pag-ibig. 'Diba ganyan ka rin dati, Freciah?" tanong ni Lola kay Mama.
"Oo Ma."
"Abay sino na nga ba iyong lalaking 'yon? 'Yong lalaking muntikan ka ng magpakamatay kasi niloko ka niya." Si Lola Iska at tumawa sa naalala kay Mama.
"Ruello po."
"Ayon! Naku humanda talaga 'yan sa'kin! Kapag nakita ko iyan naku... Titirisin ko ang tainga niyang batang iyan. Abay, pagka gwapo-gwapong bata tapos babaero bala-e," gawi niya naman kay Lola Maring.
"Ma. Tapos na po iyon. Baka may sarili narin po siyang pamilya. Hayaan na natin siya."
"Abay sino namang lalaki ang pinag kakabaliwan niyang apo nating iyan? Anong pangalan, Frocinta?" tanong ni Lolo Jose kay Mama. Tatay ni Papa.
"Emman po. Tang," sagot ni mama.
Ayokong marinig ang pangalan niya. Biglang may tumusok na karayom sa dibdib ko matapos marinig iyon.
Tumayo tuloy ako ng wala sa sarili.
"Apo, saan ka pupunta?" si Lola Iska.
"Sa labas po, La. Magpapahangin lang,"
"Mag iingat ka, ha?"
Tumango na lamang ako kay Lola at lumakad na palabas ng bahay. Pumunta ako sa likod ng bahay nila Lola at pinagmasdan ang mga pagbabago roon.
"Nandito pa pala ito," sabi ko sa sarili at iginala ang paningin sa duyan.
Ito ang duyan na ginawa namin ni Ulzero. Kababata ko at kaibigan ko na rin noong maliit pa ako. Matagal na kaming hindi nagkita simula nang lumuwas kami pa Maynila. Kumusta na kaya siya?
Pumikit ako at pinakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin dahil magpapasko na rin. Tinignan ko rin ang napaka gandang view sa likod ng bahay na matatanaw mo ang mga mabeberdeng palayan at mga naglalakihang puno.
Napaka sarap tignan.
Pumikit ako at nilanghap ulit ang masarap na simoy ng hangin.
"Kumusta..."
Binuksan ko ang mata ko ng makarinig ako ng boses. Hinanap ko iyon sa paligid at nakita ko ang isang paa sa likod ko. Kaya naman lito akong napalingon roon.
"Zero!" tawag ko sabay yakap sa kanya.
"Grabe, gwapo mo na, ah!" puri ko at bahagya siyang binangga.
Tumawa siya."Ikaw nga ang ganda mo na. Parang hindi ikaw ang sinisipon pang kalaro kong Stella noon." Biro niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Pero no joke. Ang ganda mo."
"Aysus ikaw talaga bulero ka..." sabi ko sabay hampas sa braso niya. "Naks tigas ah, nag g-gym ka ba?"
"Oo, every Saturday and Sunday."
Tumango ako. Kaya pala. "Ano? Kumusta naman ang love life?" naka ngisi kong sambit.
"Ito ikakasal na..." aniya at mapait na ngumiti.
"Oh, bakit parang malungkot ka?"
"Hindi kasi ikaw ang bridge,"
Tumawa ako at bahagya ulit siyang hinampas sa braso. "Alam mo hindi ka pa rin nagbabago. Masyado kang loko-loko baka hindi ka seryosohin ng magiging asawa mo niyan."
"Ako nga dati hindi mo sineryoso eh..." banat na naman niya. Umiling nalang ako sa mga pinagsasabi niya.
"Ikakasal kana pala, pero hindi mo inimbita sa kasal mo. 'Diba sabi ko kapag ikinasal ang isa sa'tin, hindi tayo mawawala do'n?" pag-iiba ko ng usapan.
Tumawa siya at umakbay sa akin. "Nandito ka naman na kaya iimbitahan na kita. Ikaw ang Bride's made. Okay ba?" anyaya niya. Masaya naman akong tumango-tango sa kanya.
"Ayos 'yan!" sabi ko sabay appear sa kanya. "Teka sino bayang maswerteng babae na 'yan ha? Pakilala mo naman ako..."
"Isa siyang model. Sa totoo lang ako ang swerte saming dalawa. Higit sa maganda na siya, mabait pa. Mapagmahal at maalalahanin pa. Parang ikaw..." banat na naman niya.
Napailing nalang ako sa kanya at may naalala dahil sa sinabi niya.
Model?
T-Teka, saan ko nga pala inilagay 'yong card? Oo, tama 'yong card!
Hindi na ako secretary ngayon. Kaya pwede na akong pumasok sa modeling!
"Galing mo talaga, Zero!" sabi ko sabay takbo sa bahay.
"T-Teka saan ka pupunta!" pahabol na sigaw niya.
"Sa pangarap ko!"
Pagkapasok ko sa bahay ay naabutan ko silang nag-uusap pa rin taka silang napagawi sa akin ngunit dumiretso nalang ako sa kwarto at hinanap ang card.
Sana nadala ko...
"AHA!"
Kinuha ko agad ang cellphone sa bag ko at idinial ang number na nakasulat sa card.
"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya. "Who's this?" sanong niya.
Napahinga pa ako ng malalim bago siya sagutin. "Hello... I am Stella Magday, and I am looking for Miss Jel-"
"Stella? 'Yong babae sa mall?"
"O-Opo."
"Oh... how are you dear?"
"Ayos naman po..."
"Ano nagbago na ba ang isip mo? Sasali kana ba sa modeling?" excited na tanong niya.
"O-Opo." Sagot ko.
"Nice! Sigurado kaba riyan?"
"O-Opo. Sigurado na ako." Masayang sambit ko.
"Hay... sabi ng wag mo'kong ma po, at opo. Nekeketendeee..." Iritang sabi niya pero tumawa rin. "by the way, Sure na talaga?"
"Yes!"
"Good. Magkita tayo!"
END OF BOOK 1

BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...