C H A P T E R 1 2
STELLA
Tulad kahapon, umaga rin akong pumasok ngayon. Araw ng martes ngayon kaya hindi na masyadong busy.
Pumasok ako sa opisina ni Sir Emman para I-check kung nando'n naba siya.
Pero nang makarating doon, tulad ng kahapon ah wala rin siya. Kaya iginulgol ko nalang ang oras ko sa pagbabasa. Hanggang sa hindi ko namalayan na sobra na ata ang aliw ko kaya napaupo ako sa swivel chair niya ng nakataas ang paa habang nangingiting nag babasa. At habang aliw na aliw sa pagbabasa, nagulat ang buong sistema ko nang makarinig ng nanggagalaiting sigaw mula sa loob."What are you doing?!"
Napa-ayos ako ng upo at biglang tumayo nang nakita ko si Sir Emman na salubong na salubong ang mga kilay niya at ang sama ng tingin sa'kin. Nanginginig ako sa lamig at parang gusto ko ng maiyak dahil sa itsura niya ngayon.
His dark eyes darted me and slightly look on my hand holding a book. He shook his head in distress before looking at me again with piercing eyes.
"What are you doing to my chair? huh? " Inikutan niya ako. Napapikit nalang ako dahil sa kaba at takot sa kanya. He laughed sarcastically. "At ang sarap pa ng buhay mo ah, nakataas pa ang paa! Boss ka ba?!" sigaw niya.
Naghanap ako ng maisasagot ngunit halo-halo ang mga salita sa utak ko kaya nang subukan kong magsalita ay nautal nalang ako. "S-Sorry po. Hi-hin-"
Hindi ko alam pero nakita niya siguro ang takot sa mga mata ko kaya huminga siya ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili. "Tapos mo na ba ang pinagawa ko?" tanong niya na ngayon ng mahinahon. Nagpasalamat naman ako ng dahil doon dahil naka hinga ako ng maluwag.
Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "Opo, kagabi pa po. Nag overtime po ako..."
"So kasalanan kopa? Huh?" Tumaas ang isang kilay niya at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Kung bakit ba naman kasi nag tatago-tago ka pa at nakakaramdam ka rin pala ng hiya 'no? Akala ko wala ka ng hiya eh, may natitira pa pala?" sabay ngisi ng nakakaloko. "Alam mo? Ikaw lang ang babaeng nakilala ko na ipinagsasabi pa na virgin siya, o kaya naman gustong magpagalaw sa boss niyang ubod ng gwapo. Tapos ikaw ba namang ang sukahan, tapos inalagaan na nga siya, hindi pa nag pasalamat. Tapos-" hindi niya na nagawang tapusin ang sinasabi niya, dahil pinangunahan siya ng tawa niya at ako naman, hiyang hiya na! Please lord, help me...
Kung bakit ba naman kasi ako naglasing nun. Wala naman akong balak mag lasing eh, nag try lang ako. Sakto namang may nagustuhan ako kaya ayon, hindi ko namalayang naparami na pala ako...
"Well, tapusin mona ang trabaho mo. Lalabas tayo mamaya..." sabi niya sa seryosong tinig.
"Huh? Saan naman?" Takang tanong ko.
Anung nakain nito? Bakit nag iba ata simoy ng hangin. Kanina lang ay salubong na salubong ang kilay niya tapos nang-aasar ngayon naman ay biglang nag yayang lumabas. Something's weird.
"Edi sa labas."
"I mean, saan sa labas?"
"Tss... basta. Huwag ka ng maraming tanong..." aniya at umupo nalang sa swivel chair.
Wala sa sarili nalang akong napakibit balikat at winala sa isip iyon. Sana lang ay maayos ang gagawin namin mamaya at hindi na naman puro kalokohan.
Lumipas ang mga oras na ginulgol ko ang sarili sa pagtra-trabaho. Busy rin si Sir Emman at hindi naman niya ako inasar kaya naman ang gumabi na ay hindi ko mapigilan ang mapaisip kung ano ang gagawin namin. Baka bumawi siya. Humagikgik ako sa naisip. Sana lang ay hindi ito kalokohan.
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...