Chapter 17

440 19 1
                                    

C H A P T E R  1 7

EMMAN

Pagka upo ko sa upuan ay tinawag kona ang waiter para umorder. Sinabi ko sa kanya ang mga potaheng gusto ko.

Matapos kong sabihin ang lahat ng gusto kong kainin namin ni Stella ay tumango nalang siya at umalis. Tinignan ko naman si Stella na mukhang problemado pa rin. May hangover pa ata sa zipline.

Sana pala... hindi ko nalang siya pinasakay ng zipline. Na mi-misa ko tuloy ang kwelang Stella.

Tinitigan ko siya ngunit nakatingin lang siya ng malayo. Tumikhim ako. "Ayos ka lang?" tanong ko. Tumingin namam siya sa akin at ngumiti.

"O-Oo naman bakit naman hindi..." aniya at nagpakawala ng pekeng tawa.

"Look." I cleared my throat. Trying to explain myself from her. "Hindi ko alam na may fear of heights ka pala... I-I just want us to enjoy. Gusto ko namang bumawi sayo." I looked at her but I just mesmerized by her goddess beauty. Mas gumanda siya sa paningin ko. I cleared my throat again to refresh my thoughts. "Pag tapos natin dito ay magpahinga kana. Bukas nalang natin itutuloy ang iba. Mukha kang hindi okay..."

She shook her head. "Hindi. okay lang talaga ako." She said trying herself to force to smile.

Magsasalita na sana ako pero sabay kaming napagawi sa cellphone ko nang mag ring iyon. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa lamesa at sinulyapan ang tumawag. Tumingin ako kay Stella para magpaalam.

"Ugh... sagutin ko lang. Kumain ka na riyan pagkarating ng food. Huwag mo na akong hintayin..." sabi ko at hindi na hinintay pa ang sagot niya at naglakad papalayo roon.

Tumungin muna ako sa gawi ni Stella at sinigurong hindi niya ako maririnig o hindi niya maririnig ang sasabihin ni Zebyria.

Bumaling ulit ako kay Stella pero parang hindi na niya ako nakikita. Naka tingin nalang siya sa lamesa at pinaglalaruan ang mga daliri. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag.

"Babe..." bungad sa'kin ni Zebyriah. I smiled at her.

Zebyriah is my girlfriend. Nagpapa salamat nga ako dahil hindi binanggit ni Steff si Riah kay Stella. Dahil kung nagkataon ay masisira ang plano ko kay Stella. Siguro iniisip niya na babae ko si Stella kaya tahimik lang siya.

Matagal na kaming magkakilala ni Steff. Simula high school ay kaklase kona siya dati sa US. Naging mapusok din kami pagdating sa babae lalo ma noong college. We always ended our night with a girl. Hindi palalampasin ang isang gabi kung walang matitikman na babae. We have a active sex life back then so unprotected sex for us is prohibited. We practice safe sex for the sake of us and also to our partner.

Riah and I were already 5 years in a relationship. Nagbago ako dahil sa kanya. Pinilit kong magbago para sa kanya dahil gusto kong repetohin ang pagkababae niya. Maganda si Riah. Maputi, matangos ang ilong, mahaba ang buhok at may manipis na mukha. Mas maliit nga lang ito kay Stella. Si Stella naman ay maganda rin. Pilipinong-pilipino ang hugis at balat. Mahaba rin ang kulay brown niyang buhok na may natural na kulot sa bandang baba nito. Matangkad siya at may maamong mukha. An angel in disguise.

Sa unang tingin mo rin kay Stella ay maaaninag mo sa kanya ang tindigan at angking charm niya. Nagmumukha siyang model dahil sa height niya at syempre sa wangis ng kanyang mukha. Simple rin si Stella at laki sa mahirap samantalang si Riah ay laki sa mayamang pamilya kaya mas gustong gumastos at bumili ng mga bagay sa mall ng hindi naman niya talaga kailangan. She had a lot of lipstick collection, bag, shades, earrings, and everything that you might think of. Palaging mga bagay ang gusto niya kaya tuwing monthsary namin ay palaging mga gusto niya ang ibinibigay ko. Only child rin siya kaya hindi siya sanay na hindi nakukuwa ang mga gusto niya.

My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon