C H A P T E R 8
Stella
Nang matapos ang video ay tumawa na siya nang tumawa. Ako naman ay nanatiling naka yuko dahil sa kahihiyan.
"Ibang klase ka Stella…" sabi niya habang tumatawa.
Ngumuso ako. "Kalimutan mo na ‘yun. Lasing nga ‘diba?" Irap ko.
"Ako lang pala ahh. Hay nako Stella, pinapasaya mo talaga ako..." aniya at mas tumawa pa.
Kumunot ang noo ko dahil hindi na siya natigil kakatawa. Simaan ko siya ng tingin.
"Tse! Letche ka! Maka uwi na nga. Bahala ka sa buhay mo riyan!" sabi ko at tumayo. Pinilit kong maglakad kahit pa sobrang sakit ng ulo ko.
Bakit kaba naman kasi uminom ng marami Stella. Tignan mo tuloy ang pinaggagawa mo.
“T-Teka. Teka!” naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. “Alam mo ba ang daan pauwi sa bahay niyo, aber?” aniya ng makahabol.
Umirap ako dahil tama siya. Wala akong alam. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako eh. Kainis.
Inis akong napagawi sa kanya. Bahagya pa akong nagulat dahil kamuntikan ko na siyang mahalikan. Nasa likod ko lang pala siya.
"Wait asan nga pala ako?" sabi ko nang makabawi.
"Sa bahay ko," lakas loob na aniya.
"Ano?"
What? Dinala niya ako sa bahay niya? Huwag mo sabihing…
“Huwag kang mag alala wala akong ginawa sayo. Unless… gusto mo?” ngumisi siya ng nakakaloko. Inilayo ko naman ang mukha niya sa akin.
"Tse!"
Matapos kong sabihin iyon ay bumaba na ako. Pagka baba ko ay nagulat ako nang salubunginn ako ng mga kasambahay.
“Ma'am pinapasabi po ni Sir Emman na kumain na raw po kayo. Nagpaluto po siya para sa inyo,” ani ng isang kasambahay na tila kilig na kilig pa dahil sa presensiya ko.
“Ang sweet po ni Sir Emman sa inyo Madam. Inalagaan niya po kayo kagabi tapos Pinabihis niya rin po kayo samin...” madaldal na sabi niya.
“Ang swerte niyo po at naging boyfriend niyo siya. bagay na bagay po kayong dalawa!” sabi naman ng isa niyang kasama.
Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. Ngumiti nalang ako sa kanila.
“Manang, she’s not my girlfriend. She’s my secretary. Not even my type.” Sabi niya at nilagpasan kami. Pabulong ang huling mga sinabi niya pero rinig na rinig ko naman iyon.
Hindi ko naiwasan na makaramdam ng kirot matapos narinig iyon. Ngumiti nalang ako para mapagtakpan iyon.
Ngumiti rin ang kasambahay at nahihiyang napatingin sa amo niya. "A-Ahh, ga-ganoon po ba Sir? Sige po, Kain na po kayo naka handa na po ang mga pagkain. Ma'am-"
"’Wag mo siyang tawaging Ma'am. Hindi mo siya amo. Maliwanag?" Suplado na namang aniya.
Nagulat ako nang sumulpot ulit si Emman sa amin at sabihin iyon. Parang kanina lang ay patawa-tawa siya, anong nangyari ngayon?
"Ahh, sige po. Kain na kayo sir, at..." nangapa ng sasabihin si Manang nang gumawi sa akin.
"Stella. Stella nalang po ang itawag niyo sa’kin,” sabi ko, naka ngiti pa rin.
BINABASA MO ANG
My New Boss Is A Bully (BOOK 1) SELF PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceSimple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtr...