05.

64 3 1
                                    

narration

Gabriella's

"Gab! Nandito na jowa mo!" rinig kong sigaw ni Kuya mula sa baba. Jowa?

"Wala akong jowa, gago!"

"Si Yang Hyun-- Este Choi Hyunsuk, tanga!"

"Ito na!"

Lumabas ako ng kwarto at dirediretsong bumaba bitbit ang bag ko.

"Kumain ka na?" tanong sa akin ni Suk, tumango ako.

"'Wag kang maniwala d'yan, hindi pa 'yan kumakain." rinig kong saad ni Kuya.

"H'wag kang epal, ako ang kumain. Ako ang nabusog, 'wag kang papansin," pagtataray ko. "Tara na, Suk." saad ko at lumabas ng bahay.

"HOY GAGONG BATA 'TO!" rinig kong sigaw ni Kuya. Pakyu, Jung Jaewon.

Sa totoo lang, tama si Kuya. Hindi pa ako kumakain. Ewan ko ba, wala akong gana.

"Iniisip mo si Hyung?" biglaang tanong nitong katabi ko.

"Oo,"

"BOOM HULI KA PANOT!"

"Huh? Teka sinong hyung ba?" nagtatakang tanong ko.

"Kunwari 'di alam, 'kala mo naman talaga."

"Ewan ko sa 'yo, si Kuya iniisip ko." seryosong saad ko.

"Akala ko naman si Byounggon hyung."

"At bakit ko siya iisipin?"

"Kasi mahal mo pa." tumaas ang kaliwang kilay ko.

"May iba na akong gusto." kahit wala. Ewan, gusto kong makatakas sa mga tanong niya.

"Huh? Sino naman?" ramdam ko ang pagtingin niya sa akin.

"Hindi mo kailangang malaman." nakangising saad ko.

"Ah ganoon? Eh kung iparinig ko kaya 'kila Byounggon hyung 'to?"

"Iniisip mo si hyung?"

"Oo."

"GAGO KA TALAGA!"

"HAHAHAHAHAHA SINO NGA KASI?!" natatawang tanong niya.

Hindi ako natutuwa sayo, bwiset.

"'Di ko kilala,"

"Imposible. Nasa YGT ba?" nakangiting tanong niya.

Anong sasabihin ko? Wala naman kasi akong ibang gusto.

"Oo,"

"Huh? Nasa YGT? Ahh! Teka ako ba? AKO BA?" agad ko siyang binatukan.

"Alam mo? Putangina mo. Hindi!" sigaw ko sakaniya. Malapit na kami sa school.

Hanggang sa makapasok kami, hindi siya tumigil sa pangungulit kakatanong. Close nga pala siya sa YGT, nakakainis naman.

"HOY GABRIELLA JUNG TINATANONG KITA!" sigaw niya nang makapasok kami sa room. Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin dahil sa kawalanghiyaan niya.

"ANO BA?!"

"SABIHIN MO NA KASI!"

"AYOKO!"

"SASABIHIN MO O IPAPARINIG KO 'KILA-- HMP HMMP" agad kong tinakpan 'yung bibig niya dahil sa kaingayan niya.

"Oo na, sasabihin ko na," naiinis na saad ko.

Gusto kong sabihing siya, kasi siya talaga pangalawang bias ko sa YGT, ayos diba? Nakakatangina. Siyempre, bestfriend ko. Ayoko namang mapahiya hehe.

So sinong sasabihin ko huhu.

Nilapit niya 'yung tenga niya sa bibig ko. Huminga ako ng malalim.

"S-si.. si ano.. A-asahi." napakagat ako ng labi.

"OH MY GOSH!" AMBAKLA NAMAN PUTANGINA!!!

Inirapan ko nalang siya tsaka umupo sa pwesto ko. Napabuntong hininga nalang ako nang tumabi siya sa akin. Magkatabi nga pala kami ;(.

"Asahi pala ah.." rinig kong pangaasar niya sa akin. Hindi ko alam kung maaasar ba ako o ano kasi nakakatangina lang siya.
"Grabe, mas bata pa sa 'yo nagustuhan mo."

"Anong magagawa ko? Palitan ko birth year ni Asahi, ganoon? Tangina mo pala eh." sagot ko sakaniya.

"Asahi.. hehehe. Sabihin ko nga."

"PUTANGINA NAMAN CHOI HYUN SUK."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" napairap nalang ulit ako. Hindi ko na siya maintindihan.

"Ang saya niyo naman," napatingin kami sa nagsalita. Bumalik na nga talaga siya. Ang akala ko, nagbibiro lang sila.

Pero pwede namang sa ibang school nalang siya, tsk.

Sabagay, dito nga pala mga kaibigan niya. Hayst.

"Matunaw si hyung." bulong sa akin ni Suk, dahilan para mabalik ako sa h'wisyo.

"Hi, Gabriella." napatingin ulit ako kay Gon.

"Hello." simpleng sagot ko at nagbigay ng maliit na ngiti.

"Dapat ko na ba kayong iwan?" tanong ni Suk na may nakakalokong ngiti. Binigyan ko siya ng 'subukan-mong-gawin-yon-mapuputangina-ka-sa-akin.' look. Natawa nalang siya.

"Na-miss kita, Gabby."

√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon