91.

35 0 0
                                    

gabriel

"Selos ka naman? 'Lika nga dito!" aya ko kay Gon na lumapit sa akin pagkatapos lumabas nung mga kumag.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na nakasimangot.

"Smile ka na, I love you." saad ko atsaka pinilit siyang ngumiti. Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti.

Kahit kailan 'tong fiancee ko, dami naming pinagdaanan tapos ngayon pa siya magiging ganito?

Binigyan ko siya ng mariing halik, na tumagal ng 30 seconds, 'tsaka ko siya binigyan ng mahigpit na yakap.

"I love you, h'wag mo na akong iiwan ulit ha?" mahinang saad niya.

"Hindi na. Kung gusto mong makasigurado, dun ka na sa bahay tumira. Mag-sama na tayo." natatawang saad ko.

"Bakit naman ako hihindi? Ihahanda ko nalang mga gamit ko mamayang pag-uwi ta's didiretso na ako sa bahay niyo."

"Hm, seryoso ka?"

"Yep."

"Oki."

Inaya ko na siyang umuwi, wala pa akong tulog dahil nga inuna kong maghanda para dito sa birthday ni Gon at hindi na nag-abalang umuwi pa sa bahay. Pinadiretso ko nalang sa driver kanina 'yong mga maleta sa bahay.

Nang makarating kami ay agad na siyang nagpaalam na babalik siya bago ako hinalikan sa noo.

Pumasok na din ako sa loob para makapagpahinga, bukas ko nalang aayusin 'yong mga gamit ko sa cabinet. Mas gusto ko nang magpahinga muna.

Ang tagal ding walang tumira dito sa bahay, buti nalang talaga at napapalinis namin 'to kaya wala nang poproblemahin. Kung meron man?

Kasal nalang namin ni Gon.

√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon