59.

39 0 0
                                    

Dahan-dahan akong pumasok sa studio kung nasaan ang YGT at Silver Boys. Naka-mask ako, nagpapanggap na manager nila. Isinuot ko din 'yong cap na inabot sa akin ni Mino oppa, siya nag-design. Sana ninakaw niya nalang ako ng cap sa p̶e̶a̶c̶e̶m̶i̶n̶u̶s̶o̶n̶e̶ hays.

Pinilit kong gawing mahinhin ang boses ko.

"Here's your foods." mukhang nag-taka sila.

Wth

Bakit ako nag-english?

Ang tanga-tanga!

"Practice lang haha." dugtong ko at nabuhay naman ang mood nila.

Anong ginagawa dito ni Asahi?

Bumalik siya?

Inabot ko sakanila 'yong mga pagkain. Agad din silang umupo sa lapag at nag-dasal 'tsaka nagsimulang kumain.

Nakaka-miss silang panoorin na ganito.

"Wala ka po bang aasikasuhin, Manager-nim?" napatingin ako kay Yedam.

"Wala, nagpapahinga lang ako saglit. Sige na, ituloy mo lang pagkain mo." saad ko. Tinanguan niya lang ako.

Napatingin ako kay Hyunsuk na kumakain ng bulgogi. Ang sarap. Shet. Wala namang masama kung pupuslit ako, 'diba? Napapawisan na din ako dahil balot na balot ang mukha ko.

Tinanggal ko ang cap na suot ko at inilagay 'yon sa gilid bago tumabi kay Hyunsuk atsaka ko tinaggal 'yong suot kong facemask.

"Penge nga niyan." saad ko at inagaw kay Hyunsuk 'yong chopsticks niya. Agad naman akong sumubo.

Napatingin ako sakanila, lahat sila, tahimik.

"Noona?"

"Bakit, Dobby?"

"NOONA!"

Napahiga ako nang magkumpulan sila sa pagyakap sa akin.

Putangina, parang nagkamali ako ah?

"Teka-"

"Teka Jeon-"

"Har-"

"Yedam masak-"

"Punyeta Dobby ar-"

"Hoy Seokh-"

"Mahi-"

"Keita tek-"

"Junkyu put-"

"Jihoon ple-

"Sungye-"

"Hoy Jyunhao ano b-"

"Siyun sandal-"

"Kotaro-"

"Junhyuk san-"

"Inhong an-"

"Jeongseo-"

"Hyunsuk masakit-"

"Junghwa-"

"PUTANGINA!"

Unti-unti silang lumayo sa akin hanggang sa makahinga ako nang maluwag.

"Ang babantot niyo bwiset!" singhal ko. Natawa naman sila.

"NA-MISS KA NAMIN NOOONAAA!"

"Na-miss ko din kayo, sobra."

Sinimulan na nila akong daldalin, simple lang ang sinasagot ko kasi ayaw ko ding mapahaba ang usapan. At kung maaari, lahat sila e masagot ko.

√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon