"Uy noona! Walang pagkain?" tanong ni Jeongwoo sa akin pagkapasok ko sa practice room nila.
"Ililibre ko kayo mamaya, manahimik ka. Nasaan 'yong iba?" tanong ko nang mapansin kong B, C at kalahati lang ng J ang nandito. Nasaan ang silver boys?
"Naglilinis sa dorm 'yong iba noona, tapos sila Hyunsuk hyung po hindi ko alam." sagot ni Junghwan, nginitian ko nalang siya.
"Bakit 'di pa kayo nagp-practice?"
"Noona, baka nakakalimutan mong lumayas na karamihan sa 'min sa YG? 'Di 'rin namin alam kung bakit pwede kaming mag-stay dito sabi ni Tatang." saad ni Dohwan.
Siyempre, ako pa ba?
"Oh! Ayan na pala Silver Boys noona, e!" napatingin ako sa pintuan. Nagsipasukan na lahat ng Silver Boys.
Nasaan si Gon?
"Bakit walang pagkain?" iritadong tanong ni Hyunsuk. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Excuse me? Apo ako ng main pd niyo, hindi niyo 'ko utusan." masungit na saad ko.
Agad namang lumapit si Suk sa akin at inakbayan ako 'tsaka pinisil ang pisngi ko.
"Joke lang naman Gabby, napaka-seryoso, e."
"Paanong hindi ako maiinis? Ang laki-laki ng cafeteria ng YG tapos ako hahanapan niyo ng pagkain? Tangina mo ba?"
"Sorry na, kakagaling lang namin doon hehehe."
"Gago ka Suk, pinipikon mo. Baka bukas wala na talagang dalhing pagkain 'yan." sabat ni Seunghun.
Putangina kinaibigan ata ako ng mga 'to dahil sa pagkain, e!!!
Bukas? Haha. Hindi nga pala nila alam na last day ko ngayon dito. Uuwi na 'ko bukas ng 4AM.
"Hinahanap mo si Gon hyung? Wala. Kagabi pa nawawala." biglang sabi ni Doyoung.
"Anong hinahanap? Ewan ko sa 'yo. Akyat lang ako sa 7th floor. Bisitahin ko si Uncle." saad ko at lumabas nang hindi inaantay ang sasabihin nila.
Agad akong pumunta sa X Academy dahil doon kami magkikita ni Gon. Hindi ako nakaramdam ng kahit ano. Dapat ba akong kabahan? Dapat ba akong masiyahan? Dapat ba akong magalit?
Nang makarating ako sa rooftop, walang tao. 3:15 na, ah? Ako pa mag-iintay?
Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa baba hanggang sa umupo ako sa pinapatungan ng mga kamay ko.
Palubog na ang araw, napatingin ako sa relo ko. 6:43PM. Tatlong oras na 'kong nag-iintay pero ni-anino ni Lee Byounggon, wala akong nakita.
Dapat nga isinama ko si Ten, pero mas mabuting 'ring hindi ko ginawa dahil hindi niya ako hahayaang mag-hintay.
Bakit nga ba 'ko nag-hihintay? Wala 'rin namang mangyayari.
7:00PM.
Walang Lee Byounggon.
Ang sabi niya, huli na 'to.
Hindi ko na hahayaang mangyari ulit 'to. Umasa ako sa wala.
Mababaliw ako sa 'yo, Lee Byounggon.
BINABASA MO ANG
√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛
HumorCOMPLETED ❝Kumusta?❞ ❝Ito, limot ka na.❞ ᴡᴀʏᴊɪɪᴛɪɪʙɪɪsɪʟᴠᴇʀʙᴏʏs // 🅞🅣❷❽ + 🅢🅘🅛🅥🅔🅡🅑🅞🅨🅢 JAEWONOLOGY'S S: Feb. 25, 2019 E: Sept. 28, 2019