HYUNSUK'S
"Deja Vu," mahinang saad ko, sapat na para marinig nila. Silver boys lang ang nandito, 'yung iba hindi na namin pinapunta dahil magsisiksikan lang kami.
"Kaya nga, eh. Parang nangyare na din 'to dati." si Midam hyung.
"Anong parang, hyung? Nangyare na talaga sakaniya 'to dati." saad ni Jihoon.
Totoo naman kasi, ganitong-ganito din 'yung nangyare, 2 years ago.
"Anong sinasabi niyo? Wala akong maintindihan." Tanong ni Gon hyung.
Magsasalita na sana si Raesung nang lumabas 'yung Doctor.
"Family of the patient?"
"I'm her brother," si Jaewon hyung.
"She's in a comatose right now, pero okay na siya."
"ANO?"
"Naapektuhan masyado ang ulo niya, kaya ito ang nangyare. Pero hindi lang 'to ang pwedeng mangyare sakaniya. Excuse me."
Tangina.
Kailan naman gigising 'tong bestfriend ko?
Nilabas na ng ER si Gayoon 'tsaka dineretso sa magiging kwarto niya.
"Hyunsuk, mag-usap tayo." saad ni Byounggon hyung. Tinanguan ko siya 'tsaka kami lumabas ng kwarto ni Gab.
"Nangyare na 'to kay Gabby? Kailan? Bakit wala akong alam?"
"Hyung, naaalala mo? 2 years ago, nung nakipagbreak ka sakaniya," tumango siya sa akin.
"Pagkatapos mo siyang iwan sa park, dun siya umiyak nang umiyak, hyung. Tapos nung naglalakad na siya paalis, nasagasaan din siya ng sasakyan."
"Si Asahi 'yung nag-dala sakaniya sa Hospital, simula no'n, hindi na sila nag-hiwalay."
"Hanggang sa pasikretong naging sila, kasi ayaw nilang malaman ng iba,"
"Tapos ngayon, nangyare nanaman,"
Nasasaktan ako nung inaalala 'yung mga panahong 'yon. Si Gabriel, nagsusumikap na gumaling, habang si Gon hyung, lumalandi sa iba.
Hindi niya alam 'yong naging epekto no'n kay Gabriel dahil sa ginawa ni Byounggon hyung sakaniya.
At ngayon, hindi na namin alam ang gagawin namin kapag nawala si Gab sa amin.
Sapat na 'yong isang beses nangyare sakaniya 'yon, hindi ko na kakayanin kapag bumigay 'yong bestfriend ko.
"B-bakit hindi n-niyo s-si-s-sinabi sa akin 'to.." tanong ni Gon hyung.
"Choice ni Gayoon na h'wag naming sasabihin sa 'yo, kasi ayaw ka na niyang guluhin."
"Tangina."
BINABASA MO ANG
√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛
HumorCOMPLETED ❝Kumusta?❞ ❝Ito, limot ka na.❞ ᴡᴀʏᴊɪɪᴛɪɪʙɪɪsɪʟᴠᴇʀʙᴏʏs // 🅞🅣❷❽ + 🅢🅘🅛🅥🅔🅡🅑🅞🅨🅢 JAEWONOLOGY'S S: Feb. 25, 2019 E: Sept. 28, 2019