gabriel
Tapos na 'yong yakapan session namin ng mga bulok, in fairness, wala silang galit sa akin. Lalo na si Doyoung.
Siya 'yong pinakamahigpit at matagal ang yakap sa akin. Mahal na mahal ako, e.
"Noona, padating na daw si hyung." saad ni Jeongwoo. Nginitian ko siya atsaka tumango. Nagpaalam na ako sakanila na lalabas na ako para pagkapasok ni Gon dito ay sila lang muna ang makikita.
Dali-dali akong lumabas ng studio atsaka nagtago sa isang gilid kung saan makikita ko ang pagpasok ni Gon sa loob.
Mula dito ay may salamin, kaya't nakita ko ang pagbukas ng elevator at paglabas ni Gon doon. Napangiti ako. Ang gwapo ng fiancee ko.
Pagkapasok ni Gon sa loob ay agad kong narinig ang pagsigaw nila ng 'Hapoy birthday, hyung!' kasabay na noon ang mga sigawan.
Mabilis akong pumunta sa pinto at mula dito ay tanaw ko sila. Pinihit ko ang doorknob atsaka dahan-dahang binuksan ang pinto, dahilan para mapatingin sa akin si Byounggon.
"Happy birthday, mahal." nakangiting sambit ko. Agad na napangiti si Gon at mabilis na tumakbo papunta sa akin para yakapin ako.
"Please yakap lang bawal mag-kiss maraming bata dito!" rinig kong sigaw ni Yoon Hyunsuk. Akala mo siya hindi bata.
Ramdam ko ang saya ni Gon sa bawat pagdampi ng labi niya sa pisnge ko, dahilan para mapangiti ako.
Maya-maya pa ay kumalma na kami. Inasikaso ko sila sa mga kakainin nila habang si Gon ay naka-backhug sa akin na animo'y ayaw akong makawala sakaniya.
"Hayaan mo na sila mag-hain ng sarili nila, birthday ko oh! Ako pagtuunan mo ng pansin." dama ko ang pagtatampo ni Gon sa bulong niya sa akin, natawa na lamang ako.
Hinarap ko siya at ikinulong sa nga palad ako ang pisnge niya.
"Opo na, h'wag ka nang mag-tampo. I love you."
"I love you more." binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi atsaka siya nginitian.
"BAWAL SABI MAG-KISS ANO BA NAMAN 'YAN PDA!" sigaw ni Youngmin. Ewan ko ba kung bakit 'to nandito e si Woong lang naman inimbita ko.
"Inggit ka? Gaya ka!" sigaw naman ni Woojin sakaniya.
Ito 'yong reunion ng mga grupong nag-disband, at mga grupong hindi pa nagdedebut ay disbanded na. Gaano kasaket? Sobrang saket.
Dinalaw na kami ng iKON at WINNER dito sa loob dahil rinig na rinig nga daw sa labas ang kaingayan namin. Wala 'yong apat na ate ko, busy. Si Ate Hayi naman nanghingi lang ng cake, dinamay pa si Suhyun eonnie. Si Dara eonnie, nasa Paris. Si TOP? Hulaan niyo. Nawawala din, e. Busy mag-post ng arts sa instagram.
Natapos 'yong araw na puro kasiyahan lang ang nangyari. Pinauwi ko na sila dahil maaga pa pasok nung mga 'yon bukas. Hanggang sa silver boys maliban kay Yedam 'tsaka Doyoung, CIX at AB6IX nalang ang natira dito.
Nagtulungan kaming maglinis ng buong studio room hanggang sa maayos na.
"Salamat sa tulong, mahal ko kayoooo!" sigaw ko at nakipag-grouphug sakanila, habang si Gon ay nasa sulok at masama ang tingin sa amin.
BINABASA MO ANG
√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛
HumorCOMPLETED ❝Kumusta?❞ ❝Ito, limot ka na.❞ ᴡᴀʏᴊɪɪᴛɪɪʙɪɪsɪʟᴠᴇʀʙᴏʏs // 🅞🅣❷❽ + 🅢🅘🅛🅥🅔🅡🅑🅞🅨🅢 JAEWONOLOGY'S S: Feb. 25, 2019 E: Sept. 28, 2019