g a b
3:17AM.
Napatingin ako kay Ten at Johnny na naghaharutan, hanggang dito ba naman sa airport?
"Ihh baby ano ba!" malanding sambit ni Chittaphon.
"Kiss lang naman, e!"
Hindi ko sila pinansin at napa-buntong hininga nalang.
Gusto kong mag-stay na ayaw ko.
"Okay ka lang?" rinig kong tanong ni Jaehyun sa tabi ko. Nginitian ko lang siya at tumango.
"Hindi ka pa ba papasok do'n, Gab?" tanong ni Taeil.
Gusto ko muna silang makasama ng matagal, kahit papaano.
"3:30." simpleng sagot ko.
"GABRIELLA JUNG!"
"GABRIEL LUMABAS KA!"
Nakarinig ako ng kung anu-anong kagaguhan kasama ang pangalan ko.
Napatingin ako sa bandang likod at nakita 'yong treasures do'n.
Agad nila 'kong nilapitan at isa-isang niyakap, isa-isang nag-paalam. Huli si Hyunsuk.
"Bes, balik ka ha? Kahit ganito-ganito lang, basta bumalik ka." madramang sambit niya at niyakap ako. "Sorry, hindi ko napilit si Gon hyung na pigilan ka.." bulong niya sa akin.
Hindi ko nga alam kung magugulat ba 'ko na pinilit niya si Gon na pumunta dito or what kasi alam ko namang hindi rin mangyayari 'yon.
Hindi ko kinibo si Suk.
Nag-usap-usap muna kami hanggang sa namalayan kong 3:56 na.
Mahuhuli na ako sa flight.
Naluluha akong tumingin sakanilang lahat, hindi ko alam kung babalik pa ba ako dito kasi wala naman nang dahilan.
Dahan-dahan na akong naglakad palayo sakanila. Nag-announce na din na apat na minuto nalang, aalis na ang plane.
Mabilis na akong nag-lakad hanggang sa makapasok sa eroplano at umupo sa seat ko.
Hindi ko alam, pero bakit umasa ako?
Umasa akong pupunta siya at mage-explain sa akin. Kasi kahit naman pigilan niya akong umuwi sa Chicago, wala akong magagawa. Doon ang bahay ko.
Walang Lee Byounggon.
Tangina, Gabriella. Pag-uwing pag-uwi mo sa Chicago, kalimutan mo na lahat.
BINABASA MO ANG
√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛
HumorCOMPLETED ❝Kumusta?❞ ❝Ito, limot ka na.❞ ᴡᴀʏᴊɪɪᴛɪɪʙɪɪsɪʟᴠᴇʀʙᴏʏs // 🅞🅣❷❽ + 🅢🅘🅛🅥🅔🅡🅑🅞🅨🅢 JAEWONOLOGY'S S: Feb. 25, 2019 E: Sept. 28, 2019