Gayoon's
"Love, may sasabihin ka?" nakangiting tanong ko.
Nakakapanibago lang, hindi siya nakangiti ngayon.
"Gabriella," Bakit... ako... kinakabahan..
"Hmm?"
"You know Zenia, right?" I nodded. "Bumalik na siya, matagal na," Hindi ako nagsalita.
"Nagkabalikan kami, Gab."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nanatili akong nakatingin sakaniya. Hinayaan ko siyang mag-salita.
"Matagal na kitang niloloko, I'm sorry,"
"Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako, please, kahit 'wag ngayon okay lang sa akin,"
"Sorry Gab,"
"Salamat sa lahat,"
"Thank you sa 1 year and 9 months,"
"Magalit ka sa akin, hindi kita pipigilan,"
"Saktan mo ako, hindi kita pipigilan,"
"Aalis na ako, Gab,"
"Babalik na 'ko sa Japan,"
"Gab, hindi na kita mahal."
Napangiti ako ng mapait. Wala naman akong ginagawang masama, bakit ganito 'yung mundo sa akin?
Ang dami kong sinakripisyo, pero bakit ganito 'yung sukli sa akin?
Ayos lang naman sa akin 'yong mga rason niya, pero hindi ko matanggap 'yong huli.
Hindi ko matanggap.
"Gab, nandito na sundo ko. Aalis na ako." malamig na saad niya.
Tumalikod na siya sa akin 'tsaka nagsimulang mag-lakad.
"A-asahi," hindi ko na marinig 'yong boses ko.
Walang tumutulong luha galing sa mga mata ko, pero sobrang sakit ng puso ko.
"Asahi," sinikap kong sumigaw kahit nanghihina ako.
Tumingin siya sa akin.
"K-kahit konti, w-wala n-na ba..." Nakatingin lang siya sa akin. "H-hindi mo na ba talaga 'ko m-mahal.." Umiling siya.
And that hit me.
Ngumiti ako ng mapait 'tsaka nagmadaling tumalikod at umalis doon.
Nagsisimula nang pumatak ang mga luha ko, hindi ko na makita 'yung mga dinadaanan ko dahil nanlalabo 'yung paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mata ko.
Parang nangyare na din sa 'kin dati 'to.
Wala na akong ibang maisip.
Wala na si Asahi.
Wala na siya sa akin.
Iniwan niya na ako.
Pinakawalan niya na ako.
Hindi na niya ako mahal.
"MISS MAY SASAKYAN!!!" nakarinig ako ng isang sigaw, ngunit huli na nang mawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛
HumorCOMPLETED ❝Kumusta?❞ ❝Ito, limot ka na.❞ ᴡᴀʏᴊɪɪᴛɪɪʙɪɪsɪʟᴠᴇʀʙᴏʏs // 🅞🅣❷❽ + 🅢🅘🅛🅥🅔🅡🅑🅞🅨🅢 JAEWONOLOGY'S S: Feb. 25, 2019 E: Sept. 28, 2019