gabriel
MARCH 05, 20—
"Sa tingin mo naman masisiyahan si Gon dito?" angal ni kuya. Palibhasa kasi nawalan ng jowa kaya takot nang magmahal ulit. Pero sobrang sakit naman nung nangyari sakaniya.
"Bakit naman hindi? Mahal ako no'n."
"Edi wow."
Muli akong naging abala sa pagaayos ng mga gamit, uuwi na akong Korea atsaka birthday bukas ni Gon. 14hours ako sa ere kung sakaling bukas pa ako uuwi. Edi hindi ko naenjoy 'yong birthday ni Gon.
"Hindi ka pa ba tapos? Tulungan na kita." biglang sulpot ni Jaehyun sa harap ko.
Nandito siya sa Chicago nung nakaraan pa, 1 week pagkaalis ni Gon.
"Tapos na ako, ibababa ko nalang 'to. Atsaka nakahanda na ba 'yong kotse?" tanong ko.
"Yep, kanina pa. Si tita pinapakalma ko nalang kasi ayaw niya daw mahiwalay sa 'yo ulit hahahaha." natawa ako sa sinabi niya.
"Sige na, baba na tayo."
Tinulungan niya akong magbaba ng maleta.
"Kuya hindi mo talaga ako sasamahan?" baling ko kay Kuya na busy sa pagp-phone.
"Malaki ka na, bakit pa?"
Hindi ko alam kung bakit ko pa siya kinakausap.
Pagkababa namin ay saktong nagiintay si Mommy. Para namang habang buhay na akong mawawala. Uuwi lang ako ng Korea, hindi ako mamamatay.
"I will miss you, anak. Bisita ka dito ha?" hindi ba nila naisip na sayang ang pera? Okay mapera kami pero mas gusto ko nang maipon nalang 'yon kesa magpa-balik balik sa Chicago at Seoul.
Kung ganoon lang naman ang mangyayari ay mas mabuti nang sa isang bubong nalang kami tumira. Ang laki-laki ng bahay sa Seoul.
"See you, ma! Don't worry, and'yan si Kuya Jae. 'Di ka niyan pababayaan." nginitian ko siya atsaka hinalikan sa pisnge.
Inaya ko na si Jaehyun na lumabas ng bahay pero agad akong nakarinig ng sigaw.
"HOY GABBY! HINDI MO AKO YAYAKAPIN? HINDI TALAGA? HINDI MO BA AKO MAMIMISS? WALANG POPROTEKTA SA 'YO DOON!" Gago 'tong kuya ko pero mahal na mahal ako nito.
Tumakbo ako palapit sakaniya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.
"I love you bunso, ingat ka do'n ha? Susunod nalang ako kapag p'wede na." saad niya at hinalikan ang noo ko.
"I love you kuya, bye!"
"Matulog ka na Gab, sobrang tagal pa natin dito." saad ni Jaehyun na katabi ko. Nasa eroplano na kami, isang oras palang kaming nasa ere pero kahit ganoon ay kinakabahan ako.
Paano ko isusurprise si Gon? Hindi ako naka-plano. Ang nasa isip ko lang kasi ay ang makauwi sa Korea at makasama 'yong tubolok.
"Kinakabahan ako, Jae. Paano kung may ibang nagpapasaya kay Gon sa SoKor habang wala ako?" kumunot ang noo niya.
"Wala ka bang tiwala kay Byounggon?"
"Hindi naman sa ganoon."
"Pero nagdududa ka.."
"I'm sorry."
"Nah. Alam ko namang 'di mo mapipigilan. Lalo na't engaged na kayo." naoangiti ako sa sinabi niya.
Oo nga pala, 2 weeks na kaming engaged ni Gon. Sa 2 weeks na 'yon, hindi namin makayanang hindi makita 'yong isa't-isa kaya hanggang VC lang.
Pero birthday niya bukas, kailangan ko siyang makita.
"Tulog na, mamroblema ka nalang kapag nasa Korea na tayo."
BINABASA MO ANG
√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛
HumorCOMPLETED ❝Kumusta?❞ ❝Ito, limot ka na.❞ ᴡᴀʏᴊɪɪᴛɪɪʙɪɪsɪʟᴠᴇʀʙᴏʏs // 🅞🅣❷❽ + 🅢🅘🅛🅥🅔🅡🅑🅞🅨🅢 JAEWONOLOGY'S S: Feb. 25, 2019 E: Sept. 28, 2019