Gayoon's
"Kuya akin na kasi 'yan!" sigaw ko kay kuya habang inaabot 'yung cellphone ko.
"Sasama muna ako sainyo!!!"
"Ayoko! Hindi ka belong doon! Masyado ka nang gurang!!!"
"Gago! Para nga may matanda kayong kasama, tsaka ikaw lang babae do'n!"
"Bakit? 'Pag sumama ka ba dalawa na 'yong babae? BAKLA KA 'NOH? GAGITONG 'TO!"
"Tigil-tigilan mo 'ko sa pamimilosopo mo, ha! Bahala kayo, gawin niyo kung ano gusto niyo! Sasama ako!"
"Oo na! Mamatay ka na! Bwiset!"
"Ano kamo?!"
"Wala, ampanget mo sobra!!!"
Kinuha ko 'yung cellphone ko sakaniya kasabay noon ang pagsabat ni Hyunsuk.
"Nasa labas palang ako, rinig ko na kayo."
"WALA KANG PAKE." sabay na saad namin ni Kuya.
"Sasama ako," si kuya.
"Edi ayos, hyung! Basta--"
"Basta 'wag kang eepal." biglang sulpot ni Asahi.
"Edi wow! Matagal pa ba 'yung iba? Nakakainip ha!"
"Parating na 'yun." sagot ni Hyunsuk.
Umupo muna ako sa sofa at nanood ng TV, ganoon na din silang tatlo.
"Ayusin niyo na 'yung arrangement." sabi ni Hyunsuk.
"Ako sa passenger's seat, dalawahan naman 'yon, kami na ni Seunghun." sagot ni Kuya.
"Ok." saad ko.
"Magtabi-tabi nalang bawat grupo, kung kakasya pa 'yung iba, mag-sama-sama nalang." saad ni Asahi habang nakatutok sa phone niya, tss.
"Sabihan mo na sila Manong, kuya. Ihanda na 'yung mga van kamo."
"Ba't ako?" nagrereklamong tanong nito.
"Aangal ka?"
"Hindi."
"Tabi tayo, Ella!!!" sigaw ni Hyunsuk. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kami magkatabi." napatingin kami sa pintuan, si Byounggon.
Rinig ko naman ang pag-buntong hininga ni Asahi na nasa tabi ko lang.
"Hindi naman ako umaangal, hyung! HAHAHAHAHAHA!" hugalpak ni Suk, gago amputa.
"Dami niyong alam," bulong ni Asahi, sapat na para marinig namin.
Umupo sa tabi ko si Byounggon.
"Gabriella, pwede ba tayong mag-usap?" bulong ni Byounggon. Tumango ako.
BINABASA MO ANG
√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛
HumorCOMPLETED ❝Kumusta?❞ ❝Ito, limot ka na.❞ ᴡᴀʏᴊɪɪᴛɪɪʙɪɪsɪʟᴠᴇʀʙᴏʏs // 🅞🅣❷❽ + 🅢🅘🅛🅥🅔🅡🅑🅞🅨🅢 JAEWONOLOGY'S S: Feb. 25, 2019 E: Sept. 28, 2019