g a b r i e l
Bumaba ako mula sa kwarto upang pumunta sa kusina, hindi ko na maramdaman 'yong lalamunan ko sa sobrang tuyo.
Nakita ko si Gon na naglalagay ng tubig sa isang baso, agad niya namang inabot sa akin 'yon.
Nakakahiya naman kung hindi ko iinumin, 'diba? 'Tsaka para hindi na ako mag-abalang kumuha pa ng panibagong baso.
"Tititigan mo nalang ba?" saad niya.
Kinuha ko nalang 'yong basong 'yon at uminom ng tubig. Namuo sa amin ang nakakabinging katahimikan.
Inilagay ko sa lamesa ang baso at aalis na sana ng kusina nang magsalita si Gon.
"Hindi mo ba ako kakausapin?" tanong niya. Napabuntong-hininga nalang ako.
"May dapat ba tayong pag-usapan?"
"Meron,"
Magsasalita sana ako nang hinigit niya ako bigla palapit sakaniya 'tsaka ako niyakap ng mahigpit.
"H'wag ka munang bumitaw sa 'kin, please." mahinang saad niya sapat na para marinig ko.
Hindi ko siya matiis, niyakap ko siya pabalik.
Nanatili sa amin ang katahimikan hanggang sa naramdaman kong namamasa na 'yong balikat ko at unti-unting narinig ang mga hikbi ni Byounggon.
"G-gon.."
"S-sorry, Gabby.."
Hindi ako sumagot, sa halip ay hinayaan ko siyang umiyak at mag-salita. Dahan-dahan na ring tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Hindi ako nakinig sa 'yo, na mali. Maling-mali. Sobrang pinagsisisihan ko 'yon." sambit niya at med'yo tumigil na sa pag-iyak ngunit nanatili siyang nakayakap sa akin. "Gayoon, sorry. Alam kong hindi sapat 'tong pag-hingi ko lang ng tawad.. mas'yadong malaki 'yong kasalanan ko sa 'yo.. 'tsaka sa anak natin."
Hindi ko napigilan humagulgol. Nakasandal lang ang ulo ko sa dibdib niya at mas gusto ko siyang marinig mag-salita.
"S-sobrang laki ng pagkukulang ko sa 'yo. Alam kong galit ka sa 'kin pero Gab.. give me another chance." pahina nang pahina ang boses niya. "Kung hindi sana dahil sa akin, buhay pa 'yong anak natin ngayon.. sabay natin siyang pinapalaki ngayon, masaya sana tayo ngayon, pamilya sana tayo ngayon." kumawala ako sa yakap niya at pinag-hahampas 'yong dibdib niya.
"P-paano mo nasasabi 'yan ngayon, G-gon? Mas lalo mo lang ipinamukha sa akin na wala lang ako sa 'yo, na magiging pamilya lang tayo dahil sa nabuntis mo ako. Bakit?" sigaw ko. Niyakap niya lang ulit ako ng mahigpit at walang katapusang sinasabi ang salitang 'sorry'.
Ano pa nga bang magagawa ko? Tapos na, e.
Alam ko namang sinasabi niya lang 'to ngayon dahil narealized niyang may malaki siyang kasalanan sa akin, sa anak namin.
"Alam mo Gon? U-umuwi ka nalang sa Korea. H'wag na h-h'wag ka nang b-babalik dito."
"Gayoon.."
"Ayoko na, Gon.." humihikbing saad ko. "P-p'wede bang maging masaya nalang tayo para sa isa't-isa? Kalimutan mo na ako, kakalimutan na kita. Kahit 'yong ganoon lang, Gon? P'wede ba 'yon?" sambit ko.
"Hindi p'wede.." napatingin ako sakaniya. "Pumunta ako dito, kasi gusto kong bumalik ka sa akin. Gusto kitang bawiin sa kung sinuman. Minsan ka nang naging akin, e.." tinitigan niya ako sa mga mata ko. "P'wede bang akin ka nalang ulit?" tumulo ang mga luha niya.
Hindi na tama, e. Sobrang tanga ko naman na ata kung babalik pa ako sakaniya matapos ng lahat?
Pero putangina, gusto kong gamitin 'yong utak ko pero puro si Gon lang din 'yong sinasabi.
Nakapagdesisyon na ako, 'diba? Kakalimutan ko na si Gon.. pero bakit ganito?
Sobrang tagal na naming hindi nagkausap o nagkita man lang, pero bakit kahit kaunti, walang nagbago sa nararamdaman ko?
Bakit mahal na mahal ko parin siya?
"S-saiyo lang ako."
-
katamad na mag-update hehe
BINABASA MO ANG
√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛
HumorCOMPLETED ❝Kumusta?❞ ❝Ito, limot ka na.❞ ᴡᴀʏᴊɪɪᴛɪɪʙɪɪsɪʟᴠᴇʀʙᴏʏs // 🅞🅣❷❽ + 🅢🅘🅛🅥🅔🅡🅑🅞🅨🅢 JAEWONOLOGY'S S: Feb. 25, 2019 E: Sept. 28, 2019