g a b
"GABRIEL!" napatingin ako sa sumigaw ng pangalan ko. Agad namang nanlaki ang mata ko nang makita si Byounggon, kasama sila Raesung at 'yong iba pa.
Putangina.
Gusto ko silang yakapin.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinigpitan iyon. Alam ko namang si Johnny 'yon, pinipigilan akong yakapin sila.
"Gab.." mahinang tawag ni Gon sa pangalan ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Gayoon," rinig kong bulong ni Johnny. Agad akong lumayo kay Byounggon dahilan para mabitawan niya ako.
"Mauuna na kami, excuse us." saad ni Johnny at tuluyan kaming lumabas ng 7/11. Pinilit kong h'wag tumingin sakanila hanggang sa makasakay kami ng kotse.
Agad na umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Gusto kong mag-sorry sakanila.
Sobrang tagal kong nawala, alam kong galit sila sa akin dahil sa ginawa ko.
Ang sabi ko, sandali lang. Pero halos isang taon nila akong hindi nakita. Sobrang tagal ko silang pinag-intay.
"Shh, don't cry. Makakausap mo din sila? Okay?" tinanguan ko si Johnny. Hinawakan niya ako sa balikat, pinapakalma niya ako.
Sana, sa susunod na magkita kami, hindi sila galit sa akin.
Gusto kong bumawi, kahit sa loob lang ng 23 days.
"By the way, paano ka nga pala? Malapit na mag-start school year, magmumukmok kang mag-isa?" tanong ni Johnny.
"Ano ba? Para namang nandito pa ako no'n." natawa naman siya sa sinabi ko.
Pinilit kong kumalma kahit hindi maalis sa isip ko 'yong nga lalaking iyon.
Nang makauwi kami sa dorm nila, agad kong inilagay sa kusina 'yong mga pinamili naming pwedeng kainin at 'yong mga junk foods na kakainin namin mamaya sa movie mara.
"Ako na d'yan, Gab." napatingin ako kay Jaehyun.
"Hindi na, ako na. Doon ka nalang sa sala, aayusin ko nalang naman 'yong mga kakainin natin, e." nakangiting saad ko. Agad din siyang ngumiti.
"Tutulungan nalang kita d'yan." saad niya. Tinanguan ko nalang siya 'tsaka namin inihanda sa plato 'yong mga junk foods na kakainin.
Iyong iba namang pinamili namin ni Johnny ay inilagay ko sa cabinet sa taas, para naman kahit papaano ay may makain kami nang hindi umoorder.
Puro sila order online, hindi nga nila alam kung nakakabuti ba sakanila 'yon. Halos pabayaan na nga din nila 'yong mga katawan nila.
Sa totoo lang, dapat sa Treasures ko ginagawa 'to, hindi sa NCT. Pero oara naman kahit papaano ay makabawi ako sakanila sa pamamagitan nito.
Feeling ko nga, nakakaabala na ako sakanila. Pero sa t'wing nararamdaman ko 'yon, agad nila akong chinicheer up. Wala lang naman daw sakanila kung may ibamg tao sa dorm or wala, ang importante may mag-aalaga sakanila.
"Lalim ng iniisip, ah." sabi ni Jaehyun. Nginitian ko lang siya at inaya siyang pumunta sa sala.
Naabutan naman namin silang nag-haharutan, habang 'yong dream e nakatingin lang sa amin. Inaabangan siguro 'yong pagkain.
"Manahimik na kayo, i-play niyo na nga 'yan!" saad ko at umupo sa tabi ni Jaehyun at Xiaojun.
Pinatay naman ni Kun 'yong ilaw 'tsaka na kami nag-simulang manood.
"Teka— Tag 'to, 'diba? Tag?" pasigaw na tanong ni Donghyuck.
"Punyeta oo! Tag! Tatagain kita manahimik ka!" natawa ako sa sinagot ni Renjun kay Hyuck.
Masyado akong nag-focus sa movie hanggang sa umabot doon sa part na lumabas 'yong taong may baboy(?) sa ulo mula sa kabaong.
Agad akong napatili at napayakap kay Jaehyun sabay tagk sa dibdib niya. Mula dito, rinig ko ang pagtibok ng puso niya. Sa halip na umalis ako, mas pinakinggan ko ang pag-tibok nito.
"AY NGI!"
"HALA MALALANDI KAYO!"
Agad akong bumalik sa maayos na upo nang marinig 'yon sakanila. Teka, nag-flash ba?
"JAEHYUN HYUNG WALA PANG DALAWANG ARAW SI GABRIEL DITO DUMADAMOVES KA AGAD!"
"MANAHIMIK KAYO! HAYAAN NIYO SILA. MANOOD NALANG KAYO NG MOVIE."
Umiwas ako ng tingin kay Jaehyun. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-ngiti niya. Naramdaman kong iginalaw niya ang kamay niya at iniakbay 'yon sa akin.
Agad niyang inilagay ang ulo ko sa balikat niya at ganoon din siya sa akin.
Putangina. Hindi ako makahinga ng maayos.
Nakita ko naman ang nakakalokong ngiti ni Johnny, putangina. May pinaplano talaga 'tong tanginang 'to.
BINABASA MO ANG
√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛
HumorCOMPLETED ❝Kumusta?❞ ❝Ito, limot ka na.❞ ᴡᴀʏᴊɪɪᴛɪɪʙɪɪsɪʟᴠᴇʀʙᴏʏs // 🅞🅣❷❽ + 🅢🅘🅛🅥🅔🅡🅑🅞🅨🅢 JAEWONOLOGY'S S: Feb. 25, 2019 E: Sept. 28, 2019