•╔════ ≪ °❈° ≫ ════╗•
BYOUNGGON'S
•╚════ ≪ °❈° ≫ ════╝ •
"Hyung, kumusta si Noona?" napatingin ako kay Hyunsuk.
"Okay lang, Suk. Tinutulungang makaalala."
"6 months na kayo mag-kasama sa iisang bubong, hyung. 'Yong feelings mo, kumusta?"
"Mali 'to, Suk." sagot ko. "Galit ako sakaniya sa panglolokong ginawa niya sa akin."
"Hyung, sobrang tagal na noon."
"Masakit parin, Suk,"
"Eh hyung, ikaw nga 'tong pagkatapos iwan si Ella, lumandi agad sa iba."
"Epekto sa akin ng heartbreak 'yon, Suk,"
"Naiintindihan ko naman, hyung eh." bumuntong hininga siya. "Pero please, 'wag mong sasaktan si Gab kung sakali."
Hindi ko maip-promise, masakit, Suk, gusto kong maranasan niya kung ano 'yong naramdaman ko.
Nabuntis siya ng ibang lalaki, sinong hindi magagalit doon?
"Byounggon?" nakarinig ako ng malambing na boses, si Gab. Ibang-iba siya sa dating Gabriel. I mean, nung kami pa, ganito siya, mas sweet pa nga eh. Pero nung nag-hiwalay kami, nawala lahat.
"Yes, baby?" Kami ulit, yes. Request 'yon ni Tita 'kahit ayaw ni Jaewon hyung. Wala din naman akong nararamdaman kay Gabriel.
"Kain na daw tayo sabi ni momm— Uy, hi! Hyunsuk! Sabay ka na sa amin!" nakangiting saad niya. "Mahal, mamaya daw uuwi na ng Chicago si Mommy, hatid natin siya, ah?" tinanguan ko siya.
"Pasok na tayo," saad ko 'tsaka kami pumasok sa loob.
"Byounggon, alagaan mong mabuti ang anak ko, ha?" tinanguan ko si Tita. "Ikaw, Jaewon, magpakabait ka. Hindi 'yung kung anu-ano ginagawa mo ng mga kaibigan mo."
"Ma, mabait naman sila Jay hyung,"
"Osiya, mag-iingat kayo dito. Balitaan nio ako lagi."
Nag-tuloy lang kami sa pagkain hanggang sa napatingin ako kay Gab.
Nakayuko lang siya.
Nilagay ko 'yung kamay ko sa ulo niya para ibaling 'to sa akin pero nakapikit lang siya.
"Gabby? May problema ba?" tanong ko.
"A-ang sakit ng u-ulo ko," binuhat ko siya 'tsaka idineretso sa kwarto niya at hiniga sa kama.
"Magpahinga ka lang d'yan, gusto mo tumawag ako ng Doctor?" inilingan niya ako. Tinabihan ko siya sa kama at nilagay 'yong ulo niya sa dibdib ko.
"Gon, m-may na-n-nakikita akong lalaki," bulong niya pero sapat na para marinig ko. "Gon, ang saya-saya namin."
Hinintay ko pa siyang mag-salita, pero tulog na pala. Inayos ko 'yung kumot sa katawan namin 'tsaka kami natulog nang magkatabi.
BINABASA MO ANG
√ 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚 | 𝑙𝑒𝑒 𝑏𝑦𝑜𝑢𝑛𝑔𝑔𝑜𝑛
HumorCOMPLETED ❝Kumusta?❞ ❝Ito, limot ka na.❞ ᴡᴀʏᴊɪɪᴛɪɪʙɪɪsɪʟᴠᴇʀʙᴏʏs // 🅞🅣❷❽ + 🅢🅘🅛🅥🅔🅡🅑🅞🅨🅢 JAEWONOLOGY'S S: Feb. 25, 2019 E: Sept. 28, 2019