"Sige ate, Uuwe na muna ako. Bukas, Pupunta ulet ako dito.☺"
"Sige, Mag-iingat ka."
"Oo ate."
"Liza!.Huh? Nandito kana naman?"- james
"tse! Tabi nga!...Sige Ate liza, aalis na ako."
"Huh ate? Liza, Bakit ka nya tinawag na ate?,... Close na kayo?"
"Halika dito james......Nahanap ko na ang kapatid kong si sofi.☺"
"huh talaga? Nasaan siya? Ipakilala mo naman sakin."
"Hindi ka maniniwala...Pero si shine ay si sofi, James. 😊"
"Huh?...To-Totoo ba yan? Siya ba talaga ang kapatid mo? Paano nangyari yun?"
"hindi rin ako makapaniwala na si shine ay si sofi...Napakasaya ko james. kahit hindi naging ganun kaganda ang pakikitungo nya sa akin nung nagkita kami. Alam kong hindi nya yun sinasadya. Ngayon nahanap ko na siya, Wala na akong mahihiling pa. Ibubuhos ko lahat sa kanya ang mga panahon na hindi kami nagkasama."
••
"Mom!."
"Shine!, mabuti naman at umuwe kana!. Bakit ba bigla ka nalang umalis. nang ganyan pa ang ayos mo!!"
"I'm sorry mom"
"Oh siya, Mag-Bihis kana at magpahinga."
"Mommy sandali. May sasabihin po ako sa inyo."
"kung tungkol na naman yan sa kapatid mo, Wag mo na ituloy! (Tumalikod)"
"Mom, I'll find her!"
(Lumingon)
"What?"
"Nahanap ko na si ate liza..Buhay siya. Siya si shane, Ang ate liza ko.😢"
"Ano?...Paano naman yun mangyayari? Baka mamaya nagkamali ka lang shine!. Alam mo naman ngayon marami nang manloloko, At isa pa. Mayaman ka at sikat kaya malamang sinasabi lang nya sya ang kapatid mo para pabagsakin ka!"
"no mom!..It's not true!..Ako mismo ang umalam kung siya ba talaga ang ate ko. At hindi ako nagkamali. Sa lugar na yun kung saan siya nakatira doon rin ako lumaki at nagkaisip..., at dinala nya ako dun sa lugar na madalas namin pinupuntahan nung mga bata palang kami. at may isang bagay akong nadiskubre na nagpatunay na siya ang ate liza ko... eto Yung litrato namin dalawa nung mga bata pa kami.... Ipinakita nya ito sa akin. At isa pa, tulad ni ate Mahusay rin siya sa pagkanta. Si ate liza yung unang nagturo sa akin kumanta. "
"I don't care kung siya man ang kapatid mo!. Siguradong siya rin ang sisira jan sa pangarap mo!"
"No mommy!..Alam kong hindi yun magagawa ni ate liza. Pareho kaming may pangarap, at Sabay namin yun aabutin!"
"bahala ka, pero sa oras na malamangan at malampasan ka ng liza na yan. Wag na wag mo akong sisisihin!."
•••
Mall
"Ate liza!, I'm here!👋😀"
"sofi!..ahh shine na nga pala."
"Hehe its ok ate, ok lang kahit tawagin mo akong sofi ngayon araw. Namiss ko rin kasi na may tumatawag sa akin sa pangalan nyan.😊"
"Tara?"
"Yes.😊"
Liza POV
After 15 years. Muli kaming nakapagbonding ng kapatid ko si sofi. Naglibot kami sa mall. Kumain, Nagshopping at Nanuod ng sine.
7Pm
"Grabe sofi, ang saya ang dami natin ginawa ngayon araw. :)"
"Masayang-masaya rin ako ate. :)) Sa susunod marami pa tayong gagawin. Namiss ko ito, Naalala ko. Noon sinasama lang tayo ni tatay sa pamamasada nya."
"oo nga, At naalala ko rin Kinantahan natin yung mga pasahero. "
"hehe oo nga ate...Haaay Sobrang miss ko na sina nanay at tatay. "
"Miss ko narin sila..ahh Bukas kung wala kang gagawin, bisitahin natin ang Puntod nila."
"Sige ate. :)"
cemetery
"💐 nay, Tay....Nandito po ulet ako, At ngayon. Kasama ko na po si sofi."
"Nay, Tay.😢 Nandito na po ako, Sorry po kung ngayon ko lang kayo nadalaw. Miss na miss ko na po kayo...Ahh Nay, Tay. Unti-unti na namin natutupad ni ate liza ang pangarap nyo para sa amin. "
"oo nga po nay, tay...Lahat ng ito ay alay namin para sa inyo."
itutuloy....
BINABASA MO ANG
Patuloy Ang Pangarap
FanficMagkapatid, Magkakampi. at Sabay nangarap sa buhay. Sina sofi and liza. Bata palang Nangarap na. Mahirap man ang kanilang buhay, Binigyan naman sila ng kayamanan kailanman hindi mananakaw ng iba. ang pagkanta..... subalit sila'y binigyan ng matindin...