CHAPTER 2

28.6K 475 13
                                    

"DALIAN mo kasi Keant! Late na ako!" Inis na sigaw ko.

Nagpapadyak ako kasi kanina pa ako naghihintay sa kanya.

Okay lang sakanya kasi college na siya samantalang ako grade 12 pa lang.

"Keant!"

"Ito na. I'm sorry." Paumanhin nito at kinuha yung bag ko.

Nakabusangot na sumakay ako sa kotse niya. Habang sinusuot ko yung seatbelt ay nakatingin siya sa akin.

"Why?"

"Just smile, sweetheart."

"How can I smile if I'm already late?"

"We're just on time, don't worry."

"Sigurado?"

Tumango siya. "Yes."

****
"Hanggang dito na lang, Keant." Sabi ko.

"Sigurado ka ba?"

"Yes, sige na baka kailangan mo pang magpahinga."

"Sige." Sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

Napangiti ako bago pumasok sa classroom namin. Nagtilian naman yung mga classmate ko.

"Boyfriend mo na, hindi mo lang sinasabi sa amin." Sabi nila Sonia.

"Magbestfriend lang kami."

"Kahit hindi." Saad nito.

Napailing na lang ako at hinayaan siya, kahit ilan beses kong sabihin sa kanila na magbestfriend kami hindi sila maniniwala.

Lumipas ang oras ay uwian na. Napatingin ako sa orasan ng phone ko. "Mukhang busy siya." Inis na bulong ko.

"Bailela." 

Napatingin ako sa likuran ko, nakangiti si Zuriel. 

"Bakit?"

"Wala ba yung kaibigan mo?"

Tumango ako. "Oo, mukhang busy e."

"Gusto mo ba ipahatid na muna kita?"

Napakurap ako. "Sigurado ka ba? Malayo yung amin."

"It's okay. As long as makauwi ka."

Napangiti ako. "Thank you."

"You're always welcome, Bailela."

Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. 

Ngumiti ako sa kaniya. "Thank you, Zuriel."

"Wala yon, basta pag may kailangan ka nandito lang ako."

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Hinintay ko muna silang makauwi bago ako pumasok ng bahay.

Natigilan ako ng makita ko sila. Si Keant naman ay walang emosyon ang mukha niya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Lumapit ako sa kanila at nakipagbeso sa parents ko at sa parents ni Keant.

"Akyat lang po ako sa kwarto ko." Paalam ko.

"Hindi ka ba muna kakain, Bailela?" Tanong ni Dad.

Umiling ako. "Hindi po."

Umakyat na ako at tinatamad na humiga sa kama ko. Ilan sandali akong nakahiga hanggang sa marinig ko na nagbukas yung pintuan ng kwarto ko.

Pagtingin ko ay nakarandam ako ng inis. "Anong ginagawa mo dito?"

"I'm just want to say sorry." Saad nito.

Umupo ako. "Kakainis ka!"

"Ayusin mo yung upo mo." Sita nito.

Kahit naiinis ay kumuha ako ng unan at nilagay sa hita ko. "Happy?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Sino yung naghatid sayo? Take note niyakap mo pa."

"Ikaw pa may balak magalit ngayon?"

"Just answer me." Matigas na saad nito.

"My classmate, Zuriel. Nagmagandang loob lang na ihatid ako dahil ang bestfriend ko mukhang busy kasi."

Lumapit ito sa kinaroroonan ko at tinitigan ako. Ganon din ang ginawa ko. "Look, Bailela Chi. I'm sorry okay? Pinapunta lang nila ako dito at may sinabi sila."

Kumunot ang noo ko. "Ano daw? Dapat sinabihan mo ako na hindi mo pala ako susunduin para hindi ako nagtagal sa paghihintay sayo."

Huminga ito ng malalim. "I'm engaged."

Para akong nanigas dahil sa sinabi niya. "With whom?"

"I don't know. Ayaw sabihin sa akin. Sasabihin daw nila kung sino sa oras na nasa edad na 25 na ako."

"Ganon ba? Edi may kaagaw na ako sa oras mo." Malungkot na saad ko.

Niyakap niya ako, humilig ako sa balikat niya. "Sayo pa din ang oras ko, Bailela Chi. Kasi hindi ko naman alam kung sino yon. HIndi pa nila ipinakikilala."

"Talaga ba?"

"Yes."

Para naman nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Humiwalay siya ng pagkakayakap at tinitigan ako.

Ang alam ko na lang ay sobrang lapit na niya. Napapikit na lang ako ng lumapat ang labi nito sa labi ko.

Sumunod ang mga labi ko sa bawat paggalaw ng labi niya.

Napamulat na lang ako ng naglayo ang mga labi namin. Tinitigan ko siya. "I'm sorry." Paumanhin ko.

"I like kissing you now, Bailela."

Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niya.

"Let's keep it secret." 

Napakurap ako. "Pero magbestfriend tayo."

"So? Wala naman masama sa ginagawa natin."

Hinalikan niya ulit ako pero smack lang. Ngumiti ito. Ngumiti na lang din ako.

Age of 17 nakuha ni Keant ang first kissed ko.

An Affair With My Bestfriend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon