PAHIGA na sana ako sa kama ng bumukas ang pintuan.
"May kailangan ka?"
Hindi niya ako sinagot at umupo lang ito sa gilid ng kama ko.
"I'm sorry, sorry sa nagawa kong pagbali sa rules natin."
Sumeryoso ako. "Edi dapat hindi na natin ginawa 'yon, wala naman din kuwenta di ba?"
Natahimik siya. "Umalis ka na, matutulog na ako."
Humiga ako at tumingin sa kaniya, hindi ito sumunod sa sinabi ko.
Humiga lang ito sa tabi ko, tumalikod ako. Naramdaman ko na lang na yumakap ito mula sa likuran.
"I'm sorry."
Humarap ako sa kaniya. "Bakit mo ginawa 'yon? Hindi ka na ba makuntento sa akin? Hindi na ba ako magaling sa kama kaya pinatulan mo yung ex mo?"
"H-hindi sa ganon."
"Heh ano!?" Galit na tanong ko.
"Ganon ka na ba kahayok?" Dagdag na tanong ko.
Natahimik siya, inalis ko yung pagkakayakap niya at itinulak siya.
"Umalis ka na dito, ayokong makatabi ka matulog. Doon ka sa kwarto mo at tawagin mo yung ex mo para magsex na kayo."
"Sweetheart..."
"Please!" Pakiusap ko.
"Hihintayin ko na mawala ang galit mo sa akin." Sabi nito, hahalikan niya sana ako sa labi pero umiwas ako.
"Umalis ka na."
"Good night, sweetheart." Bulong nito.
Pagkalabas niya ay inilabas ko ang sama ng loob ko sa pag-iyak.
Tahan na, Bailela.
****
NAPATAYO na lang ako ng marinig ko na tumutunog yung door bell.
Pagbukas ko sa pintuan ay natigilan ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Seryoso na tanong ko.
"Nandito ako para balaan ka." Sabi ni Barbara.
Tinamaan ang balikat ko ng pumasok na lang ito basta basta.
Humarap ako sa kaniya. Nakatingin ito sa akin habang nakataas ang kilay niya.
"Anong gusto mo?"
"Gusto ko? Umalis ka dito sa bahay ni Keant."
"Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Dahil sinabi ko? Ilan weeks lang naman mabubuntis na ako."
Para akong natahimik. "Paano naman nangyari 'yon? Hindi ba ngayon lang naman may nangyari sa inyo."
Ngumisi ito. "Oh nakakaawa ka naman, wala ka palang kaalam-alam. Palaging may nangyayari sa amin."
Napayukom ako dahil sa sinabi niya. "Hindi totoo 'yan!"
"Bakit hindi mo siya natungin? Para naman malaman mo."
"Umalis ka na!"
Lumapit ito sa akin. "Kung ako sayo, aalis na ako. Huwag mong hintayin na mabuntis pa ako bago ka umalis dito. Hindi ka naman girlfriend kaya huwag kang makaasta. Kaibigan ka lang." Sabi nito bago umalis.
Nagpatakan ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Barbara. Pinagbabato ko yung mga vase dahil sa narinig ko at sa sakit na nararamdaman ko.
"Ahhhhhh!"
BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend ✔
General FictionEmpire Club 1: Keant Keally SPG | R-18 Started: February 08,2019 Ended: September 01, 2019 Source of Photo: Pinterest