CHAPTER 7

18.3K 333 9
                                    

IGILING ko yung katawan ko sa harapan ni Rizzo, siya naman nakahawak sa bewang ko.

"Ayaw mo pa bang iuwi kita?" Malakas na tanong ni Rizzo.

Humarap ako sa kaniya. "Wala naman akong kasama sa bahay e. Malulungkot lang ako dahil wala si Keant."

"You can stay at my house, ihahatid na lang kita sainyo bukas umaga."

"Talaga? Kaso wala naman akong dalang damit e."

"Ipapahiram na lang kita ng damit."

Ipinatong ko yung ulo ko. "Umuwi na tayo? Para makapagpahinga ako. Baka umuwi bigla si Keant."

"Tara." Sabi nito at inalalayan ako papalabas ng club

Nang makauwi kami sa bahay niya ay inabot niya kaagad yung damit. "Okay na ba yan?

Tumango ako at ngumiti. "Oo okay na to, Rizzo."

"Maiwan na muna kita para makapagbihis ka."

Nang makalabas si Rizzo ay nagbihis kaagad ako, saka bumaba. Naabutan ko siya na nakaupo at nanonood ng basketball.

Tumabi ako sa kaniya. Tumingin siya sa akin at ibinalik ang tingin sa tv.

"Hindi kaya gulpihin ako ng bestfriend mo bukas?"

Natawa ako. "Hindi pa naman uuwi yon, wala naman siguro siyang malalaman."

"Sana lang baka gulpihin niya ako bigla, hindi natin alam."

Napailing na lang ako at humiga sa sofa at ipinatong ang mga paa ko sa hita ni Rizzo.

"Alam mo, Bailela kung hindi tayo naghiwalay baka engaged na tayo ngayon."

Napatingin ako bigla sa kaniya at ibinalik ang tingin sa tv. "Bakit mo naman nasabi yan?"

"Syempre walang ilangan ngayon na magkasama tayo."

Napangiti ako. "Nasanay lang ako na ganito ako sayo, ang tagal din natin magboyfriend at girlfriend na patago."

"Wala ka pa bang natitipuhan na babae?" tanong ko bigla.

"Meron, kapatid ni Keant."

Nanlaki ang mga mata ko. "Si Kesna?"

"Oo."

Napangiti na lang ako bigla. "Maswerte ka sa kaniya, kahit ganon ugali non sweet siya."

"Oo nga, alam mo ba kung anong ginawa sa akin ng maaksidente na nakabanggaan ko siya sa mall? Itinapon niya sa akin yung ice cream na kinakain niya." Naiiling na kwento niya.

"So sa mall pala kayo nagkita." Panukso ko sa kaniya.

"Oo, tara na matulog na tayo." Hindi pa ako nakakatayo ng buhatin niya ako.

"Rizzo!"

"What?" Natatawa na tanong niya.

"Ibaba mo nga ako!"

"Ginawa ko naman sayo to noon, hayaan mo na ako." Sabi nito.

Ihiniga niya ako sa kama ng makapasok kami sa kwarto niya. Nagtaka ako ng naglagay siya ng comforter sa sahig.

"Diyan ka natutulog?" Nagtataka na tanong ko.

"Oo."

Umusog ako. "Dito ka na lang, maluwang naman yung kama mo."

"Are you sure?"

"Yes."

Wala naman nagawa ito dahil tumabi na siya ng higa. Pumikit na ako. Sana nga lang walang alam si Keant dito.

An Affair With My Bestfriend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon