MATAMLAY na bumangon ako dahil pinapagising ako ni Dada.
Naligo na din ako at nagbihis bago lumabas ng kwarto.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Lola.
Tumango ako. "Opo lola."
"Matamlay ka pa."
"Pinapauwi na po ako ni Dada."
"Ipapahatid kita."
Umiling ako. "Huwag na po, lola."
"Hindi, hintayin mo dyan si Manong ihahatid ka niya."
Tumango na lang ako at yumakap sa kaniya bago lumabas.
Nakarating ako sa bahay at ang ipinagtataka ko dahil nandito ang mga kaibigan ni Dada at ang parents si Keant, pati siya.
"Buti nandito ka na."
Umupo ako sa tabi ni Dada at humilig sa balikat niya. "Bakit mo po ako pinapapunta, Dada?"
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.
"Nandito kami dahil ipapaalam na namin kung sino ang fiancee ni Keant."
Napadako ang tingin ko kay Tito Kean, lalo na kay Keant na nakatingin pala sa akin. Umiwas ako ng tingin.
"Sino po?" Pero sa loob-loob ko kinakabahan ako dahil hindi ko pa gusto na makasal si Keant sa iba.
Masasaktan lang ako lalo, ayoko muna mapunta sa iba ang atensyon niya.
"Ikaw bailela."
Para akong nanigas dahil sa sinabi ni Tito Kean.
Tumingin ulit ako kay Keant, hindi nababakas ang pagkagulat sa mukha niya. May alam ba siya?
"P-pero paano nangyari 'yon, ninong?"
"Matagal na namin kayong ipinagkasundo since magkakilala naman ang pamilya natin."
Natahimik na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ba sasabihin ko, dahil hanggang ngayon ay gulat pa din ako sa nalaman ko.
"Mag-uusap tayo mamaya, princess."
Wala sa sarili na tumango ako bilang sagot kay Dada.
***
Humarap ako kay Dada. "P-paano nangyari 'yon dada? Bakit ako ang ikakasal kay Keant?"
"I'm so sorry princess, gaya ng sinabi ni Kean matagal na namin pinag-usapan 'to. Magkakilala naman kayo mula pagkabata, kampante ako sa batang iyon kung sa kaniya ka ikakasal."
"Nasa edad ka na para mag-asawa, princess."
Hindi na ako nagsalita, napatingin na lang ako sa kawalan.
"Umuwi ka na sa kaniya princess. Hinihintay ka na ni Keant."
Tumango na lang ako at yumakap sa kaniya bago ako lumabas ng bahay.
Pagkapasok ko sa bahay ay natigila ako.
Nakatingin ako sa kaniya at ganon din siya nakatingin din sa akin habang nakaupo sa kaharap na upuan sa harapan ko.
"What now? Engaged na tayo." Tanong ko.
"Nothing."
Natawa ako. "Seriously Keant? Sabagay hindi naman nakakapagtaka. Puwede pa naman magback-off. Gawin mo na o ako ang gagawa."
"Don't you dare."
Natigilan ako. "Ayaw mo? You can do whatever you want to do."
"No."
"May kasalanan ka pa nga ee, sarili natin bahay to at magdadala ka pa ng babae dito. Alam mo ang rules natin dito." Giit na saad ko dahilan para tumahimik ito.
"Akala mo hindi ko alam? Rinig na rinig yung ungol ng babaeng kasama mo."
"It's not what you think, Bailela Chi."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano yon? Nanonood lang kayo ng porn? Tinignan ko pa kayo. Live show." Sarkastiko na sabi ko sa bandang dulo.
Natahimik na naman ito sa pangalawang pagkakataon. Tumayo na ako at tumalikod, saka pasimpleng hinaplos ang dibdib ko bago umakyat papunta sa kwarto ko.
Chill ka lang, Heart. Kahit masakit tanggapin natin na ganito talaga ang nagmamahal.
Hindi pa kasi ako sapat para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend ✔
Ficción GeneralEmpire Club 1: Keant Keally SPG | R-18 Started: February 08,2019 Ended: September 01, 2019 Source of Photo: Pinterest