CHAPTER 19

15.9K 358 18
                                    

KINAGABIHAN ay pinilit akong pumunta ni Steffan sa Tempting Empire Club kaya wala akong nagawa kundi ang sumama.

"Anong gusto mong inumin?" Tanong ni Connor.

"Juice na lang."

Nagtaka na tumingin siya. "Sigurado ka?"

Tumango ako. "Oo."

Hindi nila pwede malaman na buntis ako sa ngayon.

Napayakap sa akin si Steffan ng makita namin si Keant na papalapit.

"Ready ka na?" Bulong nito.

Hindi ako sumagot at hinayaan siya.

"Huwag lang kayo mag-away."

Nagulat na lang ako ng hilahin ni Keant si Steffan patayo at bigla na lang siyang sinuntok sa mukha.

Napatayo ako at inalalayan si Steffan. "Okay ka lang ba?"

"Act." Bulong nito.

Pinaupo ko siya at sinamaan ng tingin si Keant.

"Huwag mo siyang kampihan." Matigas na sabi ni Keant.

"Sa tingin mo ikaw kakampihan ko? Ikaw ang sumuntok kay Steffan."

"Bailela Chi." Seryosong tawag nito pero hindi ako nakinig.

"Umuwi na tayo, Steffan."

Nag-umpisa na kami maglakad ng marinig ko na tinawag ako ni Keant.

"Bailela."

Hindi ako humarap sa kaniya.

"Huwag kang sumama."

Nakaramdam ako ng lungkot pero nagpatuloy pa din ako sa paglalakad kasama si Steffan.

"Please bailela."

Napaupo ako ng makalabas kami sa Club ni Connor.

"Are you okay?" Tanong ni Steffan.

"Yeah." Mahinang sagot ko.

"Matulog ka muna sa bahay, sigurado naman pupuntahan ka ni Keant mamaya."

Ibinuhat niya ako at isinakay sa kotse niya.

Tahimik lang ako sa buong biyahe hanggang sa makarating sa bahay nila Steffan.

"Wala yata parents mo?"

"Pumunta sila sa Taytay, Rizal."

Napatango na lang ako. "Saan ako magstay?"

"Sa kwarto ko, sa guest room na lang ako."

Napatanga ako dahil sa sinabi niya. "Sigurado ka?"

"Oo. Sige na magpahinga ka na."

"Okay sige good night."

"Good night, Bailela."

****
NAGISING ako na parang bumaliktad yung sikmura ko.

Napatakbo ako papunta sa cr at nagsuka. Nanghihina na kumapit ako sa may pintuan ng makaramdam ako ng hilo.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Steffan.

Patakbo na pumunta ito sa kinaroroonan ko at binuhat ako.

Ihiniga niya ako sa may kama. "Nahihilo ako."

"Ikukuha kita sandali ng tubig." Sabi nito at lumabas ng kwarto.

Pagkalipas ng ilan minuto ay bumalik ito at inalalayan ako paupo. Uminom muna ako at pumikit.

"Magpahinga ka na muna dito. Huwag ka na muna umuwi."

"Kailangan ko na."

"Don't be stubborn. Ipapaalam kita kay Tito Bailey."

Tumango na lang ako at natulog ulit.

KEANT
NAPATINGIN AKO kay Tito Bailey, narinig ko lang siya na may kausap.

"Siguraduhin mo na bago mo siya iuwi ay maayos ang pakiramdam niya."

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Si Bailela gusto ko siya makita, Tito."

Sumama ang tingin nito sakin. "Tigilan mo na ang anak ko."

An Affair With My Bestfriend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon