KEANT
MASAKIT ang ulo ko ng magising ako, bumangon ako.
'Naghilamos muna ako bago bumaba.
Natigilan ako dahil nakita ko si Barbara na nakaupo sa may sala.
"What are you doing here?" Nagtataka na tanong ko.
Tumayo ito at mabilis akong nilapitan, hindi ako nakailag ng hinalikan niya ako.
Itinulak ko siya ng mahina.
"Gusto lang kitang makita. Hindi ka ba sasama na magpacheck-up para kay baby?"
Huminga ako ng malalim. "Hintayin mo ko."
Bumalik ako sa kwarto at nagbihis. Bumaba na ako at inalalayan si Barbara na makasakay sa kotse.
Natigilan ako ng makita ko si Bailela sa balcony ng kwarto niya pero kaagad din itong pumasok.
Damn! Pumasok na ako sa kotse at nagmaneho papunta sa Mondragon Medical Hospital.
Inalalayan ko siya palabas ng kotse. "Sasama ka ba sa mismong clinic?"
"Oo, para malaman ko din yung mga ibang gusto mo, para na din sa anak ko."
Habang nagkausap ni Barbara ang doctor ay tahimik lang akong nakikinig.
3 months na siyang buntis, anak ko talaga ang pinagbubuntis niya.
BAILELA CHI
PASIMPLE na pinahid ko yung luha ko ng makapasok ulit ako sa kwarto.
Bakit naapektuhan pa din ako sa kaniya? Ganito ko ba siya kamahal ng sobra?
Pinunasan ko ulit yung luha ko ng marinig ko na may kumatok.
"Anak, nandito si Steffan bumaba ka muna."
Nagtaka ako ng marinig ko si Mommy na nandito si Steffan.
Bumaba na ako. "Anong ginagawa mo dito, Steffan?" Nagtataka na tanong ko ng hinalikan niya ako sa pisngi.
"I'll help you para pagselosan si Keant. The boys have plan this."
Naguguluhan na tumingin ako sa kaniya. "Ano na naman kalokohan niyo? Pati ako nasasama."
"Para din naman kasi 'to sa inyo ni Keant."
"Alam mo steffan, umuwi ka na nastress ako sayo."
"Basta pumayag ka muna."
"Babalik din naman si Keant sayo huwag kang mag-alala."
"Hindi naman ako ganon kadesperado para mapasaakin si Keant. Tumigil na kayo."
"Basta tutulungan ka namin, wala naman alam si Keant dito."
"Ewan ko sa inyo." Naiiling sa sabi ko.
Tatalikod na sana ako sa kaniya ng maramdaman ko na binuhat niya ako.
"Steffan!"
"Shut up! We are helping you, just cooperate!" Sabi nito at buhat-buhat ako papalabas ng bahay.
Natigilan na lang kami na nasa harapan namin si Keant kasama si Barbara, napadako ang tingin ko sa tyan ni Barbara. Nakaumbok na ito.
Parang may bumara sa lalamunan ko. "C–congrats."
"Thank you." Masungit na saad ni Barbara.
"Saan kayo pupunta?" Seryosong tanong ni Keant.
"Magda-date kami ni Bailela." Seryosong sagot ni Steffan.
Lalagpasan na sana namin sina Keant ng humarang ito.
"Mag-uusap tayo mamaya sa Tempting Empire Club." Sabi ni Keant kay Steffan bago kami iniwan.
BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend ✔
Fiksi UmumEmpire Club 1: Keant Keally SPG | R-18 Started: February 08,2019 Ended: September 01, 2019 Source of Photo: Pinterest