1 WEEK na yung nakalipas magmula ng magusap kami sa kwarto ko, palagi siyang pumupunta.
"Keant mag-usap nga tayo." Sabi ko.
"Sure."
Hinila ko siya papalabas ng bahay, humarap ako sa kaniya.
"Ano ba ang ginagawa mo?" Seryoso na tanong ko.
"Visiting you."
"I know, what I mean you don't have to do this. Araw-araw na lang."
"Bailela, I just want to make sure you're both safe."
"Palagi kaming safe."
"I know, gusto ko lang palagi kang puntahan dahil dala-dala mo din ang anak ko."
"Anak ko." Pagtatama ko sa kaniya.
"Anak natin." Pagtatama din nito.
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya.
"Hindi ba nagagalit si Barbara? Palagi ka pumupunta dito." Giit ko ulit.
"Bakit naman siya magagalit? May anak ako sayo."
"Maglaro ka pa ulit ha? Para sa susunod tatlo kami na may anak sayo."
Ngumiti siya. "Gusto mo?"
Umirap ako. "Ewan ko sayo."
"Sabihin mo lang, gagawin ko."
Napailing ako. "Ewan ko sayo, gawin mo hangga't gusto mo."
Patalikod na sana ako pero narinig ko pa sinabi niya. "Gagawin ko lang sayo 'yon ng paulit-ulit."
Namula ako sa sinabi niya pero iniwan ko na siya, nararamdaman ko pa din na sumusunod siya sa akin.
"Bailela, mom's inviting you."
Humarap ako sa kaniya, sumunod kasi ito hanggang kwarto.
"For what?"
"Dinner." Tipid na sagot nito.
Huminga ako ng malalim. "Anong oras?"
"7:00. Sunduin kita."
"Okay."
***
Before 7 pm ay sinundo ako ni Keant dito sa bahay."You better take care my bailela." Paalala na sabi ni Dada.
"Yes tito. I will."
Tahimik na naglakad kami papunta sa bahay ng parents niya.
Naramdaman ko na hinawakan niya ako sa kamay, napatingin ako sa kaniya.
Nakangiti ito at tumingin ulit sa dinadaanan namin, nakahawak pa din ito sa kamay ko hanggang sa makaratig kami sa bahay ng parents niya.
Natigilan ako ng makita ko si Barbara.
Nagtataka na tumingin ako kay Keant na mukhang wala din siyang alam.
"Ang kapal din naman ng pagmumukha mo na pumunta dito!" Galit na saad ni Barbara.
Hindi ako nagsalita at hinayaan siya.
"Barbara, huwag dito!" Galit din na sabi ni Keant.
"Pinagtatanggol mo pa talaga siya!"
"Yes!"
"Damn you!" Nilusob ni Barbara si Keant at pinagbabayo sa dibdib.
"Tumigil ka!"
"Ikaw ang tumigil, ang kapal ng mukha mo para dalhin siya dito!"
"You should know your place, Barbara. She's still my fianceè after all."
Natahimik si Barbara dahil sa sinabi ni Keant.
"Uuwi na lang ako." Saad ko.
"Much better."
Umirap ako dahil sa sinabi ni Barbara.
"No, you stay here. Barbara go home."
"No!"
"Go home!" Giit nito.
Hindi nakinig si Barbara kaya nagulat ako ng hilahin siya ni Keant papalabas ng bahay ng parents niya.
"Keant!"
"I said go home! We will talk after this!"
Tumingin sa akin si Barbara, "hindi pa tayo tapos!" Galit na sabi nito bago umalis.
Tumingin sa akin si Keant. "Okay ka lang ba?"
Tumango ako. "Thank you."
Nilapitan niya ako at niyakap, hinayaan ko siya.
BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend ✔
General FictionEmpire Club 1: Keant Keally SPG | R-18 Started: February 08,2019 Ended: September 01, 2019 Source of Photo: Pinterest