CHAPTER 6

20.1K 354 17
                                    

BAILELA
INAANTOK na nagmulat ako ng mata nang makarinig ako ng ingay.

Nakita ko si Keant na nagiimpake. Napaupo ako at hindi alintana ang pagbaba ng kumot.

"Saan ka pupunta?"

Tumingin siya sa akin. "May business meeting ako sa palawan."

Napasimangot ako. "Iiwan mo ako?"

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Dalawang araw lang, sweetheart."

"Bumalik ka." Nakasimangot pa din na sabi ko.

Hinaplos niya ako sa buhok. "Oo, behave ka. Ayokong may nalalaman na may ginagawa kang kalokohan dito."

"May gagawin ba ako?"

"Sigurado meron, pag ikaw may nalaman ako itatali kita dito sa kama ko. Maliwanag?"

Napipilitan na tumango ako. "Opo."

Tinitigan niya pa yung katawan ko saka umiwas ng tingin.

Hinalikan niya ako sa labi bago tumayo. "I need to go, Bailela."

"Mag-iingat ka."

Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang makaalis siya. Natulog na lang ulit ako dahil wala naman akong gagawin ngayon.

Wala din akong trabaho kasi hindi naman daw kailangan yon sabi ni Keant, kaya naman daw niya akong buhayin kahit wala akong trabaho.

Binibigyan din niya ako ng pera, na dapat ang parents ko. Kaso nagbolontaryo na siya ang magbibigay.

Pagkagising ko ay naligo kaaagad ako at nagbihis bago lumabas ng bahay.

Gagala na lang siguro ako dahil wala naman si Keant, maiinip lang ako.

Papunta ako ng park, natigilan na lang ako ng makita ko kung sino ang nakaupo sa swing.

Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Bailela."

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at umupo sa sahig. "Rizzo."

"Kamusta ka na?" Tanong niya.

"Mabuti naman. Ikaw?"

"Okay naman din, kayo pa din ba nung lalake na palagi mong kasama?"

Nagtataka na tumingin ako sa kaniya. "Si Keant ba?"

"Oo."

Natawa ako. "Magbestfriend lang kami."

"Alam mo, Bailela kung siguro walang bumabakod sayo noon hindi tayo maghihiwalay. Sana hanggang ngayon tayo pa din."

"Pasensiya ka na sa nangyari noon, Rizzo. Natatakot kasi ako na malaman ni Keant na may boyfriend ako."

"Naiintindihan ko naman yon, pero payag ka naman na maging friends tayo di ba?"

Ngumiti ako at tumango. "Oo naman."

Lumuhod siya para magpantay kami at nagulat ako ng niyakap niya ako. "Thank you, Bailela."

Yumakap ako pabalik. "Welcome, Rizzo."

Humiwalay siya sa akin at tinitigan ako. "Pwede ba tayong magbar mamaya? Para makapagrelax ako."

"Sure, wala naman si Keant kaya puwede ako. Sana lang hindi niya malaman 'to."

Ngumiti siya. "Don't worry hindi kita ipapahamak. I respect you remember?"

"Thank you talaga, Rizzo."

"Tara na ihatid muna kita sainyo. Sunduin kita mga 8 pm?"

"Sure." Nakangiting sagot ko.

Yumakap siya sa akin bago humiwalay nang nasa tapat na kami ng bahay namin ni Keant.

"See you later, Bailela."

"See you, Rizzo."

An Affair With My Bestfriend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon