CHAPTER 10

17.8K 334 3
                                    

"AYOKO niyan, change your outfit again."

Nakabusangot na naghanap ulit ako ng masusuot.

Nakita ko yung jumpsuit na nasa closet ko. Kinuha ko yon at nagbihis sa loob ng banyo.

Paglabas ko ng banyo ay nakatingin kaagad si Keant.

"Much better."

Napairap na lang ako at kinuha yung wallet ko. "Tara na."

Lumapit siya sa akin  at yumukod, hinalikan niya ako sa labi.

"B-bakit ka nanghahalik?"

Humiwalay siya at ngumiti. "You're so beautiful."

Hinampas ko siya sa braso. "Heh!"

NAKARATING kami sa mismong company ni Keant, sumakto na pumasok ang secterary niya.

"Sir, may meeting po kayo ngayon."

"Bakit hindi mo kaagad sinabi kahapon?"

"Sorry po sir, umalis po kasi kayo ng maaga kahapon."

"It's okay. You may leave now, Mr. Alejo."

Lumapit sa kinaroroonan ko si Keant dahil nasa living area ako ng office niya.

Yumuko ito at hinalikan ako sa labi. "Dito ka muna okay? Kung lalabas ka sabihin mo sa secretary ko."

Tumango ako. "Sige na, go on."

Hinalikan niya ulit ako ng dalawang beses at umalis na ito.

Lumipas ang kalahating oras na hindi pa din bumabalik si Keant kaya tumayo ako. Papalabas na sana ako ng bumukas yung pintuan at pumasok si Mr. Alejo at yung babae.

"Ma'am bawal po talaga."

"Ano ba! Gusto ko makita si Keant Dave!"

Tumaas ang kilay ko ng makita nila ako. "Sino siya, Mr. Alejo?" Nagtataka na tanong ko.

"Ma'am siya po yung dating nakarelasyon ni Sir Keant."

Sumeryoso ako sa narinig ko. Wala akong alam na may naging girlfriend siya.

Tumingin ako doon sa babae. "Anong ginagawa mo dito? Wala si Keant."

"Hihintayin ko siya." Mataray na sagot niya.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila. "Alam mo ba na may fiancee na si Keant? Nilalandi mo pa."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit? Wala naman ang fiancee niya, so his free."

Inilapit ko yung mukha ko. "Baka nakakalimutan mo ikakasal siya."

"Ikaw sino ka ba? Makaasta ka parang ikaw yung girlfriend."

"Best friend niya ako."

Ngumisi siya. "Best friend ka lang pala. Girlfriend ako."

Ngumisi din ako. "Ex-girlfriend." Pagtatama ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "How dare you!" Aakma na sasampalin niya ako pero nagsalita ako.

"Subukan mo akong saktan, hindi mo gugustuhin ang magalit si Keant."

Tinalikuran ko na sila pero tumigil ako. "Mr. Alejo, pasabi kay Keant na aalis lang ako."

"Yes ma'am."

***

TAHIMIK na umiinom ako ng alak. "Kainis!"

Hindi ko dapat nararamdaman ito dahil mali!

"Hey!" 

Napatingin ako sa taong umupo sa tabi ko.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko matandaan kung saan ko 'to nakita.

"Thiago Salas, remember?"

Kaya pala pamilyar, "Ikaw pala, pasensiya na."

"It's okay, nasaan pala ang mga kaibigan mo? Sina Tennessee at Nathalie."

"May kanya-kanyang mundo ang dalawang 'yon." Natatawa na saad ko.

"Bakit nandito ka sa club ng ganitong oras?"

"Wala naman, para maibsan kung sakit." Sagot ko.

Napailing na lang siya. "You can share your problem, makikinig ako."

Ikinuwento ko ang nalaman ko tungkol kay Keant. 

"What a jerk." Naiiling na saad niya.

"Siguro wala talaga siyang balak na ipaalam sa akin 'yon." Malungkot na saad ko.

An Affair With My Bestfriend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon