"AYAW mo ba magpacheck-up?" Tanong ni Mommy.
Umiling ako. "Hindi na po."
"Baka buntis ka at hindi mo alam."
Natahimik ako, lumipas ang isang bwan na sobra ang pag-iwas ko kay Keant. Palagi din masama pakiramdam mo at madalas na nahihilo.
"Huwag mo na din ipagkaila dahil nakita ko yung pregnancy test sa cr mo."
"Sorry mom."
"Wala ka bang balak na ipaalam kay Keant 'to?"
Umiling ako. "Hindi naman po sa ganon pero may responsibilidad din siya doon sa babae niya."
"Bakit? Buntis ka, Bailela."
"Buntis din po siya."
"Oh God! Mabuti na lang pinatigil mo na yung engagement niyo last month kung ganito pala."
Nung malaman ni Dada ang totoong dahilan ay nabugbog si Keant, hindi ko alam kung bakit niya tinaggap lahat ng suntok ni Dada.
Nagmakaawa daw si Keant kay Dada na huwag ipaatras ang engagement namin pero buo ang desisyon niya at ang sa akin na ipatigil na, kung magpapatuloy lang baka patuloy niya din akong lokohin.
"Huwag na natin pag-usapan ito, Mom."
"Okay sige, magpahinga ka na muna." Paalam nito at iniwan na ako.
Nagpahinga na ako dahil masama ang pakiramdam ko ngayon.
NAGISING na lang ako na nag-iingay ang phone ko.
Connor's Calling...
"Helo Bailela."
"Hi Connor, napatawag ka?"
Napabugtong hininga si Connor sa kabilang linya. "Nanggugulo kasi si Keant dito sa Club ko."
"Pauwiin niyo na siya."
"Ayaw niya."
"Bakit ka sa akin tumawag? Dapat kay Barbara."
"Dahil ikaw ang kailangan niya at hindi siya." Sabi nito.
Natahimik ako at huminga ng malalim. "Papunta na."
11 pm na kasi at nagising ako dahil kay Connor.
Nagbihis ako ng jacket na may hood at leggings, kinuha ko yung wallet at phone ko bago lumabas.
Pagkarating ko sa Tempting Empire Club ay pumasok ako, naabutan ko si Connor at sina Dereck na inaawat si Keant.
Lumapit ako sa kanila, hinawakan ko sa braso si Keant.
Napatingin ito sa akin. "Sweetheart." Yumakap ito sa akin.
Hinayaan ko siya. Kumalas ako sa kaniya at tinignan siya kahit amoy na talaga siya ng alak.
"Umuwi ka na sa bahay mo."
"Uuwi ka din ba?"
Natahimik ako dahil sa tanong niya.
"Hatid ko na kayo." Singit na sabi ni Reid.
Tumango lang ako at inalalayan ni Reid at Steffan si Keant.
"Bago kami umalis gusto ko sana makiusap kung pwede huwag niyong ipaalam kay Keant na pumunta ako dito para sa kaniya."
Tumango ang apat. "Pakisabi kay Reid at Steffan alam ko naman babalik dito si Reid mamaya pagkahatid niya sa amin. Aalis na kami." Paalam ko sa dulo.
"Naiintindihan namin. Mag-iingat kayo."
Lumabas na ako at sumakay sa passenger seat habang si Keant nasa backseat.
Pagkarating namin sa bahay niya, hindi ko na matatawag na amin dahil umalis na ako. Baka kasama na si Barbara siya ang lilipat dito.
Tinulungan ko si Reid na dalhin si Keant sa mismong kwarto niya. "Thank you, Reid."
"Sige alis na ako."
Inalis ko ang suot ni Keant at itinira ang boxer. Kumuha din ako ng bimpo at binasa bago pinunasan si Keant.
Nang matapos ako ay kinumutan ko muna siya bago umuwi.
Hindi niya dapat malaman na pinuntahan ko siya.
BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend ✔
General FictionEmpire Club 1: Keant Keally SPG | R-18 Started: February 08,2019 Ended: September 01, 2019 Source of Photo: Pinterest