"WHAT ARE YOU BOTH DOING HERE?"
Napatingin ako kay Keant na seryoso nakatingin sa amin pareho ni Steffan.
"Nothing?" Patanong na sagot ni Steffan.
"Tsk."
"Pati ba naman dito makikita ko siya." Inis na saad ni Barbara.
Umirap na lang ako. "Sa ibang hospital na lang tayo magpacheck-up, Steffan let's go."
Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Steffan. "No, we will stay here. Hindi tayo ang magaadjust, dapat sila dahil kararating lang nila."
Wala akong nagawa kundi ang umupo ulit.
"Keant, let's go. Sa ibang hospital na lang tayo."
"No." Giit nito.
Nagtama ang mga tingin namin ni Keant, seryoso siyang nakatingin sakin at bumaba ang tingin nito sa tyan ko.
"Did steffan got you pregnant?" Tanong nito.
Hindi ako sumagot, wala naman dahilan e.
"Answer me, Bailela Chi."
"Yes." Singit na sagot ni Steffan.
"Steffan..."
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "I'm here." Bulong nito.
Nagulat na lang ako ng makita ko bigla si Steffan na nasa sahig at may sugat sa labi.
Dinaluhan ko kaagad siya. "Are you okay?"
"Yeah."
Tinulungan ko siyang tumayo. Tumingin ako kay Keant at sinamaan siya ng tingin. "Ano bang problema mo?!"
"Hiyaan mo 'to na buntisin ka? Bakit? Mas magaling ba siya? O baka habang ginagawa natin 'yon nagpapagalaw ka?"
Puro sakit ang naramdaman ko dahil sa sinabi niya, sinampal ko siya, at pinunasan ang luha ko ng maramdaman ko na nanlalabo ang mata ko. "Wala kang alam." Giit ko.
"Let's go steffan, huwag na tayo magpacheck-up."
Palabas pa lang kami ay narinig ko ang huling sinabi ni Steffan kay Keant.
"You're a jerk."
***
MATUTULOG na sana ako, nang marinig ko na sumisigaw si Keant.Pumunta ako sa may balcony, nakita ko si Keant na inaawat nila Reid.
"Bitawan niyo ako!"
Sumakto naman na lumabas si Dada kasama si Mommy, wala ako kapatid ko mukhang nasa bahay siya ni Mommy.
"Tito! Palabasin niyo si Bailela!"
"Umuwi ka na, Keant! Pag hindi ka umuwi mapipilitan ako na saktan ka!" Galit na sabi ni Dada.
"Hindi tito! Pag hindi niyo pinakita si Bailela, kikidnapin ko siya!"
"Keant, umuwi ka na. Huwag kang mag-eskandalo dito nakakahiya." Sita na saad ni Mommy.
Umuling siya. "Tita please, palabasin niyo si Bailela. Gusto ko siyang makita at makausap."
"Huwag ngayon, lasing ka. Sige na umuwi ka na at magpahinga, tapos na kayo ng anak ko."
Sumeryoso si Keant. "Mapipilitan ako na kidnapin siya."
"Sige gawin mo, uuwi ka na duguan at bali sa buto pag kinuha mo ang anak ko. You know me, Keant so you better go home before i stabbed you." Seryoso pero galit na sabi ni Dada."
Tumingin banda dito si Keant. "Gagawa ako ng paraan para magkaayos tayo! Sisiguraduhin ko lalayuan mo si Steffan!"
BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend ✔
Ficción GeneralEmpire Club 1: Keant Keally SPG | R-18 Started: February 08,2019 Ended: September 01, 2019 Source of Photo: Pinterest