CHAPTER 29

16K 287 26
                                    

NAKATINGIN lang ako kay Bailela na nakatitig lang sa puntod ng anak namin.

"Anak..."

"Namimiss ka na ni Mommy, ang bilis isang buwan na ang lumipas magmula ng iniwan mo kami."

Umupo ako sa pagitan ni Bailela at niyakap siya mula sa likuran.

"Shhh, don't cry."

"Di ko maiwasan, masakit pa din na mawala sa atin si baby."

"May kasabihan, sweetheart na pag may umalis may darating."

Tumingin siya sa akin. "It means magkakababy ulit tayo?"

"Maybe sweetheart, subukan natin ulit mag-umpisa. Itatama ko lahat ng pagkakamali na nagawa ko sayo."

Humarap siya sa akin ng tuluyan. "Hahayaan ito, pero nakikiusap ako na huwag mo na ulitin 'yon."

"Oo sweetheart." Hinalikan ko siya sa noo.

"Uwi na tayo, Keant."

Nakarating kami sa bahay pero pareho kami natigilan ni Bailela ng makita namin yung babae na pumunta sa company ko at may dala siya baby.

Nilapitan niya kami habang buhat yung baby. "Pinapaubaya ko na muna si Amana sainyo, hindi rin siya maaalagaan sa mental. Lalo na don si Barbara."

Ibinigay niya sa akin yung baby kaya binuhat ko. "Bakit mo sa akin ibinigay ang bata? Bakit hindi sa totoong ama nito?"

"Kasi alam ko maalagaan mo siya, at mapapalaki ng maayos."

"Sino ka ba talaga?"

"Ako si Amira kapatid ko si Barbara."

"Bakit hindi ikaw ang mag-alaga?"

"Hindi ko maaring gawin iyon, may sarili din akong pamilya."

Tumango na lang ako, tumingin ako kay Amana.

"Kailangan ko na umalis."

Pumasok kami sa sarili namin bahay, nag-aalala na tumingin ako kay Bailela na nakatingin sa baby.

"Sweetheart..."

Tumingin siya sa akin.

"Okay lang ba kung sa pangangalaga natin siya?"

Nakita ko itong napabugtong hininga. "O-okay lang naman."

"Alam ko na si Barbara ang dahilan kung bakit nawala ang anak natin pero wala siyang kasalanan."

Nakita ko rin kung paano ito nagpipigil na umiyak. "Alam ko naman iyon,  hindi ko naman idadamay ang anak niya dahil sa ginawa niya sa anak natin."

"Come here, sweetheart."

Lumapit naman siya, niyakap ko siya. Naramdaman ko na lang na nababasa yung damit ko. Umiiyak na naman siya.

"Shh, stop crying sweetheart."

Tumingin siya sa akin at ngumiti, pinunasan niya yung luha niya.

Hinalikan ko siya sa labi. "I love you sweetheart."

"I love you too, Keant."

***

"NAKAAYOS na ba lahat?" Tanong ko kay Reid.

"Anong nakaayos?" Tumingin ako kay Bailela na buhat si Amana.

Ibinaba ko na kahit narinig ko na din ang sagot ni Reid.

"Get dress, sweetheart. May pupuntahan tayo."

"Isasama ba natin si Amana?" Tanong niya.

"Yeah."

Ngumiti siya. "Great, I will get dress now." 

Ibinigay niya sa akin si Amana at nakangiti na umakyat ito sa itaas.

Mula ng nangyari na nawala ang anak namin ay umuwi na ulit siya dito at ikinasaya ko iyon dahil unti-unti ay nakakabawi ako sa kasalanan na nagawa ko sa kaniya.

Tumingin ako kay Amana na nakatingin sa akin. "I will marry your mom."



An Affair With My Bestfriend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon