CHAPTER 28

14.8K 293 18
                                    

Pakinggan niyo po yung kanta habang nagbabasa🙂
***
SUMUNOD kaagad ako papunta sa Mondragon Medical Hospital.

Pagkarating ko sa OR ay lumabas si Carl Marcus.

"Mabuti at nandito ka na, may hindi magandang nangyari at kailangan mo mamili."

Kinakabahan na tumingin ako sa kaniya. "What do you mean?"

"Hindi maganda ang kalagayan ng mag-ina mo, mamili ka ang anak mo or ang babaeng mahal mo. Kailangan magsakrepisyo para sa ikakabuti niyong pareho."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa pagpapapili ng ganon.

"Keally, choose now. Kailangan ko pa bumalik sa loob."

Huminga ako ng malalim at pinagisipan ng maayos ang magiging sagot ko.

"I choose Bailela."

Bumalik na ito sa OR, napaupo ako sa sahig at napaiyak.

"Kasalanan ko 'to, kung noon pa man ay tumigil na ako sa kalokohan ko ay hindi mangyayari 'to."

Alam ko magagalit si Bailela.

Lumipas ang ilan oras ay inilipat na si Bailela sa isang private room.

"Keant."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Si Baby?"

Umiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya.

"Keant, tinatanong kita."

"Sweetheart, magpahinga ka na muna."

Umiling siya. "Si baby, nasaan? Bakit hindi ko maramdaman na nandito siya?"

Umupo ako sa tabi niya at tinitigan siya. "W–wala na siya."

Umiling siya at nagumpisa na umiyak sa harapan ko, nasasaktan ako.

"Hindi yan totoo! Nasaan siya keant!"

"Sweetheart..."

"Hindi totoo yon di ba? Nandito pa si baby."

Umiling ako. "W–wala na siya, sweetheart."

Umiyak siya ng umiyak, niyakap ko siya. "Ang anak ko."

"Shh, pahinga ka na muna."

Umiling ulit siya. "Ayoko."

"Sweetheart..."

"Siya na lang ang meron ako e, tapos nawala pa siya."

"Sweetheart, sorry sa nangyari. Hindi ko din ginusto na mawala ang anak natin, kailangan ko mamili kundi ikaw ang mawawala."

"Sana siya na lang ang pinili mo." Mahinang bulong nito.

Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niya.

"Sana nandito pa ang anak natin..."

***
NAKATINGIN lang ako kay Bailela habang nakatanaw ito sa malayo.

"Sweetheart." Tawag ko pero hindi siya tumitingin.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay sabay pisil.

Tumingin siya sa akin. "N–nandito ka pala." Malungkot na saad niya.

Ngumiti ako. "Kanina pa."

"Ganon ba, nakita ko si baby e. Naglalaro siya."

"Sweetheart wala na ang anak natin." Malungkot na saad ko.

Umiling siya. "Hindi naman, kasi nandito siya e."

Hinaplos ko ang buhok niya. "Papaliguan na kita."

Tumango siya, binuhat ko siya at dinala siya sa may banyo.

Pinapaliguan ko siya pero mukhang wala ito sa sarili niya.

"Masaya kaya ang anak natin ngayon?"

"Oo naman." Pinalakas ko yung loob ko.

"Babalik kaya siya?"

"Gusto mo ba siyang puntahan mamaya?"

Tumingin siya sa akin. "Oo, puntahan natin siya." Nakangiting saad nito.

Ngumiti ako. "Kung iyon ang gusto mo, pupuntahan natin siya."

An Affair With My Bestfriend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon