EPILOGUE

19.4K 305 38
                                    

"SAAN ba tayo pupunta?" Tanong ko habang nakaunan sa balikat ko si Amana.

"Basta, malapit na tayo. Nasa village lang tayo."

"Nasa village? Pinagloloko mo ba ako Keant? Ang layo naman."

Natawa siya. "Yeah nasa village pa din tayo."

Tumigil na lang kami sa puting mansion. Tumingin ako sa kaniya. "Kanino 'to?"

Inalis niya yung seatbelt. "Bahay yan ni Bryson."

Tumango na lang ako at inalis din yung seatbelt at dahan-dahan bumaba.

Inalalayan niya ako papasok sa bahay ni Bryson, nagulat naman ako dahil nandon lahat ang mga ninong at ninang namin kahit ang parents namin pareho ay nandito.

Lumapit naman si Dada. "Akin na muna si Amana."

Yumakap siya at bumulong. "Be happy and start a new life with him. He loves you."

Nagtataka man ay tumango ako. Dahan-dahan na ibinigay ko si Amana kay Dada, alam nila na anak ito ni Barbara pero tingganap na nila ito dahil binabalak ni Keant na ampunin namin siya.

Tumingin naman ako kay Keant na nakangiti, ngumiti ako pabalik. Lumapit siya lalo at hinawakan ako sa kamay.

"Alam ko madami ng nangyari sa atin dalawa sweetheart, hindi ko alam kung ilan sorry ang kailangan ko gawin at makabawi ng ilan beses para mapatawad mo ako ng tuluyan. Alam ko din na marami na ako nagawa na kasalanan sayo, niloko kita at inaamin ko 'yon pero nagsisisi na talaga ako sa nangyari, nang mawala si Baby sa atin daming realization na nagpagising talaga sa akin. Siguro aral din 'yon na maling niloko kita."

Naiiyak na ngumiti ako kay Keant, pinisil ko ang kamay niya.

"Handa ako makasama ka, si Amana at ang magiging future baby natin. Sana payagan mo ako na makasama kayo hanggang sa tumanda tayo. Sana hayaan mo ako, sweetheart." dahan-dahan ay lumuhod ito at nagulat ako dahil sa ginawa niya, may inilabas din itong singsing. "Will you marry me?"

Hindi ako nakasagot kaagad at gulat pa din na nakatingin sa kaniya. "Please?"

Napakurap ako. "Y—yes I will marry you, Keant." Masayang sagot ko.

Isinuot niya sa akin yung singsing at tumayo na. Ngumiti ito. "Thank you, Sweetheart. You will not regret for saying yes to me." Hinalikan niya ako sa labi kaya tumugon ako.

May mga maririnig pa kami na nagsisigaw ng 'Congrats' sa amin.

Nang maghiwalay kami ay pareho kaming may ngiti sa mga labi. "Thank you for everything, Keant."

"I love you, Sweetheart."

"I love you too, Keant."

Masayang lumapit kami sa kanila na magkahawak kamay.

Ngayon pa lang ay masasabi ko na hindi ako iniwan ni Keant sa pinagdaanan ko ng mawala ang anak namin, siguro nga tama si Keant na isang aral yon.

Hindi ako nagsisisi na minahal ko siya. Mamahalin ko siya lalo sa mga susunod na araw hanggang sa tumanda kaming pareho at magkaapo.

THE END

An Affair With My Bestfriend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon