Umiiyak na nakatingin ako kay Barbara, siya naman ay nakangisi lang na nakatingin din sakin.
"Pakawalan mo na ako, nakikiusap ako."
Kinamot niya ang ulo niya gamit yung baril na hawak niya.
"Ano ako baliw?"
"Baliw ka naman talaga!"
Tumawa siya. "Yeah, I admit that."
Nagpumiglas ako dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa akin ay humahapdi.
"Sisiguraduhin ko malalagot ka kay Keant."
Tumawa siya ulit. "Tinatakot mo ba ako? I can take Keant's body, and I asure that he will like it."
Umiling ako. "Hindi!"
"And you." Itinuro niya ako. "You will suffer, your baby will gonna die in your tummy. Together with you."
Napalunok ako dahil sa sinabi niya, natatakot ako na baka magkatotoo at mawala ang anak ko.
Keant, tulungan mo kami. Nakikiusap ako.
Lumipas ang tatlong araw pero hindi pa ako pinupuntahan ni Keant.
Hindi na alam na nandito ako.
"Hoy babae, kumain ka." Sabi ni Barbara.
Pabalang na nilagay niya yung pagkain sa harapan ko.
"Paano ako kakain kung nakatali ang kamay ko."
Ngumisi siya. "Gumawa ka ng paraan."
Iniwan na niya ako. Napabugtong hininga ako at pilit na kinuha yung pagkain.
Nakailan try ako pero hindi ko makuha.
Nanghihina na umayos ang ng pagkakaupo.
"Keant..."
Ilan minuto ako naghihintay dito ng dumating si Barbara na tila kinakabahan, dala niya ulit yung baril.
"Nandito si Keant." Tumatawa na saad niya.
Biglang bumukas yung pintuan, para akong nabuhayan ng makita siya.
"Keant!"
"Sweetheart!" Tawag nito.
Lalapitan na sana niya ako ng makita ko si Barbara na mabilis lumapit sakin.
"Subukan mo!"
"Barbara, tigilan mo na ito. Ibaba mo ang hawak mo." Malumanay na saad ni Keant.
Umiling si Barbara. "Hindi ako magpapaloko, pakakawalan ko siya bumalik ka lang sakin."
"No."
"Edi patayin ko na siya."
"Keant." Naiiyak na tawag ko.
"Shhh, don't cry sweetheart."
"Tumigil nga kayo."
Para akong nanigas ng tumapat ang baril sa may tyan ko.
Umiling ako. "H–huwag ang anak ko."
Mukhang binggi ito dahil pinaputok niya, tuluyan akong naiyak dahil naramdaman ko na bumaon ang bala sa tyan ko.
"A–ang baby ko."
"Sweetheart!"
Nanlalabo ang mata ko dahil sa pagiyak at hapdi sa tyan ko.
Ilan segundo ko naramdaman ang hapdi, hindi ko namalayan na nawalan na ako ng malay.
KEANT
ISINUGOD ko si Barbara at mabilis na kinuha ang baril na hawak niya."What did you do!" Galit na saad ko.
Bumukas ang pintuan at dumating ang mga kaibigan ko.
"Help me!" Saad ko.
Tinulungan nila na binuhat si Bailela at ako naman ay mabilis na hinuli ang kamay ni Barbara.
Habang hinihila ko siya palabas ng bahay ay bumulong ako.
"Sisiguraduhin ko pagsisisihan mo ang mangyayari sayo sa oras na nawala ang mag-ina ko."
BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend ✔
Ficción GeneralEmpire Club 1: Keant Keally SPG | R-18 Started: February 08,2019 Ended: September 01, 2019 Source of Photo: Pinterest