CHAPTER 20

16.4K 353 6
                                    

GULAT na napatingin ako kay Tito dahil sa sinabi niya.

"A–ano po?"

"Tigilan mo na ang anak ko."

Umiling ako. "No, I will never do that."

Lalong sumama ang tingin nito sa akin. "Then I will do anything, you know me Keant I hate when someone hurt my daughter." Matigas na saad nito.

"I know that, Tito. I am a jerk."

"Yes, you are."

"I will make it up to Bailela, Tito."

Umiling ito. "No need, just focus on your woman and to your child."

Natahimik ako dahil sa sinabi niya, iniwan niya akong mag-isa sa sala.

Damn! Sapol!

BAILELA CHI
PAGKAUWI ko sa bahay ay natigilan ako kung sino ang nasa harapan ng bahay namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kaagad.

"I just missed you, sweetheart."

Nakaramdam ako ng sakit dahil tinawag niya ako ng sweetheart."

"Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng sweetheart, nasasaktan lang ako."

Lumapit siya sa akin at hinawakan sa kamay pero pilit ko na inaalis pero mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Let me erase your pain."

Umiling ako. "Huwag na, Keant. Mapapagod ka lang. Umuwi ka na baka hinihintay ka na ni Barbara."

"No! Please let's fix this. I want you back."

Umiling ako lalo at pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. "No! We can't, may magiging anak ka na kaya sana umayos ka na. Magpakaama ka naman."

Kahit huwag na sa magiging anak ko... kahit sa kaniya na lang, kahit masakit... sobrang sakit.

"Bailela..."

Ngumiti ako ng tipid. "Gawin mo na lang, mahirap naman kung pababayaan mo ang magiging anak mo."

Ang anak din natin..

Nang maalis ko na ang pagkakahawak niya ay pumasok na ako sa loob ng bahay kahit tinatawag niya ako.

***
Hinaplos ko ang tyan ko, may kalakihan na din.

Napabugtong hininga ako. "Anak, magiging okay siguro kung tayong dalawa na lang ang magkasama, may ibang anak ang dada mo bukod sayo."

Ang sakit pa din. "Bailela, bihis ka na nandito si Steffan sasamahan ka niya na magpacheck-up."

Napatingin ako kay Mommy na nakasilip sa may pintuan.

"Okay po mommy."

Nagbihis na ako at nagpunta sa ibaba, naabutan ko si Steffan na kausap si Dada.

Hinalikan niya ako sa pisngi at nagpaalam na kami kay Dada at Mommy na aalis na.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Oo naman." Sagot ko.

Nakarating kami sa Mondragon Medical Hospital, nasa harapan kami ng ob-gyn.

Paupo pa lang kami ng matigilan ako, nakita ko si Keant at Barbara na papalapit dito.

Nakaramdam ako ng sakit dahil kung makaalalay si Keant kay Barbara ay parang sa akin nung time na may sakit ako.

Umiwas ako ng tingin, naramdaman ko na may humawak sa kamay ko.

Napatingin ako kay Steffan. "Even it is a game, I care. Huwag kang tumingin sa kanila. Isipin mo na wala sila kahit nandiyan sila."

Naiiyak na tumingin ako sa kanila. "I–i can't, Steffan."

Yumakap siya sa akin. "Shhh, don't cry. I'm here."

An Affair With My Bestfriend ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon