"HEY!" Napatingin ako kay Steffan na umupo sa tabi ko.
"Bakit ganon no? May nabuntis na nga siya na iba bakit pa niya ako ginugulo?"
"Hindi ko din alam ang sagot, Bailela. Bakit hindi kayo magusap?"
Umiling ako. "Malabo, pag nakita kami ni barbara baka awayin niya pa ako."
Hinaplos ang tyan ko, natatakot ako.
"Ilan months na yan?" Tanong niya.
"4 months."
Gulat pa ito na napatingin sakin. "Seryoso?"
Ngumiti ako. "Oo, mas nauna pala ako nabuntis kay barbara na hindi ko namamalayan sa katawan ko."
"Ang galing." Pumalakpak pa siya.
Napailing na lang ako. "Ikaw ba hindi ka pa nakakabuntis?"
"Huh? Nakabuntis? Ano 'yon?"
Napatanga ako dahil sa tanong niya. "Huwag mo sabihin konwari wala kang alam kahit meron?"
"No! I don't have idea about that."
Napatanga ako dahil sa sinabi niya. "Are you serious?"
Tumango siya. "Yes."
"Maloko lang ako pero wala akong alam sa pinagsasabi mo."
"Nako, hindi halata."
Napakamot siya sa ulo. "I'm serious, Bailela."
Hindi na ako nakaimik dahil sa sinabi niya. Nahahalata kasi na nagsasabi siya ng totoo.
"Bailela."
Napatingin ako sa may pintuan, nagtataka ako dahil anong ginagawa niya dito?
"Barbara."
Tumayo ako at nilapitan siya. "Anong kailangan mo?"
"Ikaw."
"Sabihin mo na yung gusto mong sabihin."
"Layuan mo na si Keant! Magkakaanak na kami respeto naman."
"Respeto? Hindi ba dapat ikaw ang magbigay ng respeto?"
"At bakit?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Dahil ako yung fianceè."
"May anak siya sa akin."
Tinaasan ko din siya ng kilay. "Hindi ibig sabihin may anak siya sayo ay sayo na."
"Fianceè ka lang."
Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. "So? Buntis din ako at siya ang ama."
Nanlaki ang mata niya. "No! Hindi 'yan totoo!"
"Believe it or not, may anak siya sa akin."
"Hindi!" Sigaw niya.
Itutulak na sana niya ako pero naagapan ni Steffan na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala.
"Don't you dare." Seryoso na saad ni Steffan.
Dumating naman si Keant at nilapitan si Barbara.
"What a timming." Tumingin ako kay Keant. "Pabantayan yung mag-ina mo, nanggugulo." Seryoso na sabi ko.
"Bailela..."
"Totoo ba 'yon barbara?" Tanong ni Keant.
"Siya kasi, sinabi niya anak mo daw pinagdadala niya. Nagsisinungaling lang siya."
Napairap ako dahil sa sinabi ni Barbara.
"Kasi totoo. Mas nauna ako nabuntis sayo."
"Still sa akin siya uuwi." Sabi ni Barbara.
Napairap ako. "Yon lang naman gusto ko sabihin na buntis ako. Hindi naman niya ako kailangan panagutan kasi nandito si Steffan."
"That's right." Singit na sabi ni Steffan.
Papunta pa lang ako sa may sofa pero narinig ko na tinawag ako ni Keant.
"Bailela."
"Umuwi na kayo keant."
"Napapagutan kita."
Napatingin ako sa kaniya at ngumiti ng tipid. "Kahit huwag na, kay Barbara siya ang panagutan mo."
"Mahirap naman kung pareho kami na nabuntis mo, pareho mo pa kami pananagutan." Dagdag ko.
Natahimik siya dahil sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
An Affair With My Bestfriend ✔
Fiksi UmumEmpire Club 1: Keant Keally SPG | R-18 Started: February 08,2019 Ended: September 01, 2019 Source of Photo: Pinterest