[Amor's Point of View]
“As for your assingment, I want you to write a reflection about a certain topic, a current issue. Say for example, giving of free condoms to the youth, what's your insight or opinion about it? Write it in legal size bond paper, computerized, minimun of 500 words,” nang marinig ng mga kaklase ko ang salitang 'minimum of 500 words' ay nagumpisa na silang magsiungulan na para bang bigla silang pinangtamlay. “Stop making that sound class. Hindi na lang sana kayo nag HUMSS kung ganyan din naman ang iaasal nyo. You know before entering in this track that you are supposed to write, write and write. That'll be the first output for the second grading of first semester in Creative Writing. Alam nyong mahigpit ako sa grades, pasensyahan na lang tayo kung tatamad tamad kayo't walang maisusubmit bukas.” pagsesermon ni ma'am Antonia.
“Daming pinapagawa eh, nakakainis!” narinig kong pagmamaktol ng isa sa kaklase ko. I wonder. Bakit ba hirap na hirap sila? At bakit napakadali na lang sa akin ang mga simpleng bagay na 'to? Kung tutuisin naman kasi talaga ay napaka daling mag-aral, iniisip lang nilang mahirap. Pinaparusahan lang nila ang sarili nila.
“That'll be all for today, good bye class.” ma'am said then left. Hindi na nya kami inintay na tumayo para magsabi ng 'good bye'.
“Urgh!! Meron pang assignment sa General Math! Tapos sa Discipline and Ideas on Social Sciences, tapos dadagdag pa yang reflection na yan! Sabay-sabay naman! Nakakabwiset,” pagrereklamo ni Maureen, kaibigan ko. Tumayo sya mula sa upuan nya tsaka umupo sa desk ko. She pick up my notes regards on today's lesson, and she read them.
“Kaya nga, buti kung katulad ka man lang namin.” lumapit naman si Pia, isa ko pang malapit na kaibigan. “Pakopya naman bukas. Kahit sa Gen. Math lang, ha?”
“No. Try to answer them yourself, madali lang naman e.” I said then grab my notes from Maureen's hand. Nagumpisa na kong mag-arrange ng mga gamit, putting all my files on my plastic envelop. “Bye! Punta na ko,” pagpapaalam ko sa kanila.
“Saan? Sa gym para panuorin si–”
“Oo na! Oo na!” sigaw ko para putulin ang ano mang sasabihin ni Pia. She's just about to announce to the world my biggest secret! Tinignan ko silang dalawa ng masama, they only gave me a teasing smile. “If it only comes out, kayo lang dalawa ang sisisihin ko.”
“Never, we swear. Unless 'di mo kami papakopyahin,” sabi ni Maureen as if posing a threat.
“Mga walang hiya,” I mumbled then left. Bago pa 'ko makalabas ng room ay narinig ko ang hagikhikan nung dalawa. They might be stupid girls sometimes pero napakasweet naman nila. They're the only girls in the campus that means too much to me, of course my girl-relative is included.
I walk downstairs from the third floor of the senior high building. Sa main hall, nakita 'ko na may naguumpukang seniors sa tapat ng bulletin board. I got curious kaya naman lumapit ako para i-check kung ano yung pinaguusapan nila.
“Excuse me, excue me,” paulit-ulit akong nagpapasantabi para lang makasingit. Nang madating ko ang pinakang tapat ng bulletin board, I found out na final ranking ng buong senior high – grade 11 ang nakapost for the first grading of first sem.
1. Liam Lee B. Devuelva – 97%
2. Amor F. Simson – 95.49%Pangalawa. Ito ang unang pumukaw sa atensyon ko. Lagi na lang akong pangalawa. Mas lalo pa akong nainis kasi isang puntos na lang ay pwede nang mai-round off ang grade ko to 96%.
“Ang taas ng grade ni Liam!” I overheard a girl on my side.
“Kaya nga, grabe. Sana lahat.”
I rolled my eyes. Liam. Liam. Puro na lang Liam ang bukambibig nila.
“Sayang si Amor, oh! Kung naging point fifty lang sana yun naging 96 sana sya.” mula kung saan ay nadinig ko iyon. Binalewala ako ang mga bulong-bulungan na naririnig ko. Instead, I searched for Isaiah's name on the list.
298. Isaiah John N. Valdevera – 89.32%
Out of 531 grade 11 seniors ay pang 298 siya. Not bad. That only means he's an average student, not too good, not too... uhmn... disappointing. Umalis na ako sa pinagkukumpol-kumpulan nila at excited na lumabas ng building para pumunta sa gymnasium.
Nasa malayo pa ako'y naririnig ko na ang ingay na nagmumula sa gym. Binilisan ko pa ang lakad ko. May practice sila ngayon! This must be a lucky day after all. Pagkapasok ko sa gym ay mas lalong luminaw sa tainga ko ang pangalang isinisigaw ng mga babae, grade 11 man o 12.
“Go Isaiah! Go! Go! Go!” that was the words this girls' screamed in chorus.
I sat down on the first row of seats for the better view. Kahit na last quarter na ng game ay masaya padin ako. Because I'm able to see him on the same state, parang nung una ko lang syang nakita. Sweating, hardly breathing yet very happy... and very handsome.
Unlike any other girls, wala akong lakas ng loob na lumapit sa kanya para magtapat ng feelings. Kaya naman nagiiwan na lang ako sa locker nya ng good luck or encouragement letters anonymously.
After more couple of minutes ay nagend ang last quarter, nagtapos na ang game. Nanalo ang team ni Isaiah and he's being lift up in the air dahil sa galing nya na nagpapanalo sa game. Napakalaki ng ngiti nya sa labi, sobrang nakakagaan ng kalooban na makita syang ganyan. Inilabas ko ang cellphone ko at kumuha ng ilan nyang snapshots. Habang buhat-buhat sya'y unti-unting nawala ang mga players sa mata ko. They went to their locker room. Ang mga cheerleaders naman ang gumamit ng court, sila naman ang magpapractice ng kanilang stunts and dance steps.
Feeling satisfied, lumabas ako ng gymnasium na may ngiti sa labi. I look at the photos I took and feel even happier.
Palabas na akong ng main gate ng campus nang may narinig akong tumawag.
“President!” I tilted my head, pero sa paglingon ko, nakita ko ang isang lalaking humahabol sa isa pang lalaking sobra kong kinaiingitan. “Pinapatawag ka sa faculty,” anito.
Binawi ko ang tingin ko. Akala ko pa naman ako ang tinatawag. Most of the senior in the same level calls me 'president' dahil ako ang elected President of the Grade 11 Officers o kaya naman ay 'Miss Editor' dahil hawak ko din ang title na 'Editor-in-Chief' ng shool publication. Pero walang sinabi ang mga position ko sa hawak ni Liam. He's simply the damn SHS Department President and Student Council President of both Junior and Senior High, and also Captain of Reserve Officers Training Corps slash ROTC. Napakadami nyang extra curricular at nagagawa nya padin akong lagpasan! Damn it.
That instant, by simply looking at Liam, nasira ang araw ko.
BINABASA MO ANG
Mister & Miss Virtuoso
Teen FictionAmor F. Simson always consider everything as a competition especially if Liam Lee B. Devuelva was involved. Academic performances, leadership competition, math quizbee, extra curricular activities. She consider every platform where they stood togeth...